Wednesday, January 12, 2011

Birthday...




Hindi na ako batang paslit ngunit lagi akong excited sa tuwing darating ang aking kaarawan. Papalapit pa lang ito, binibilang ko na ang mga araw at hinihintay ang pagdating nito. At isang araw bago ito, nakakatawa pero kadalasan ay hindi ako mapakali at makatulog. Hindi ako naghihintay ng regalo, alam ko wala namang magbibigay . Hindi rin ako naghihintay ng mga babati, naiintindihan ko kung maraming nakakalimot. Wala rin akong magarbong selebrasyon. Ngunit sa kabila ng kakulangang ito, maligaya ako sa pagdating nito.

Minsan, nakakwentuhan ko ang isang kaibigan, bakit daw kailangan magbigay ng selebrasyon sa isang kaarawan, ‘di ba’t nakakaasar daw dahil isang taon na naman ang nadadagdag. Bakit daw masaya ang tao kapag dumarating ang kanilang birthday. Tatanda ka na naman at papalapit na sa kamatayan. Tugon ko, hindi naman sa pagtanda ang ibig sabihin ng kaarawan, ito ay pasasalamat sa isang taong ibinigay sa atin ng Poong Maykapal. At ang pagtanda ay hindi talaga sa edad binabase kundi sa paniniwala at ugali ng isang nilalalng. Ang kaarawan ay isang regalo galing sa Diyos at ang buhay ang isa sa pinakamagandang handog sa iyo.

Tuwing kaarawan ko, maligayang-maligaya talaga ako. At sa kaligayahang ito pinangako ko sa sarili ko na sa tuwing sasapit ang kaarawan ko ay may mga pasasayahin ako… nais kong ibahagi ang kaligayahang nasa puso ko. Sabi ko pa, tutulong ako hindi man pisikal na pagtulong ngunit ang gawing ugali ang pagdarasal sa ibang tao, sa akin ay sapat na ito. Sa ganitong paraan, pakiramdam ko nababalik natin ang pasasalamat sa nagbigay buhay sa ating lahat. Ika nga Niya “Mahalin mo ang iyong kapwa, tulad ng pagmamahal mo sa Akin”.

Ang kaarawan hindi sa garbo ng handa, hindi mahalaga kung may pera ka o wala, hindi sa dami ng mga nakaalala kundi sa iyong pasasalamat at paggunita sa Diyos na Dakila na siyang maygawa ng langit at lupa.

Maligayang kaarawan sa akin! Salamat Poh PANGINOON at narito ako sa mundong pag-aari mo.

salamat poh ulet sa pagbabasa

TATANDA NA NAMAN PLA AKO
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...