Minsan naba dumating sa buhay mo nag dalawang isip ka sa isang sitwasyon. Tulad nalang nang Kung isusuko mo na o ipaglalaban mo pa ang NASIMULAN MO Isa lang ang tawag sayo kung ganun, Isa ka sa taong sceptical. Sceptical! May pag-aalinlangan sa mga bagay bagay sa lahat kasi ng sakripisyo at effort na ibinigay mo lahat ng iyon sinayang ng iba hanggang sa maramdaman mo nalang na WORTHLESS ka na. Pero bakit nga ba kailangan natin dumating sa puntong mararamdaman pa natin wala tayong halaga sa ibang tao. Kasi nga siguro naghahanap ka nang katulad ng effort mo sakanya o sabihin nalang natin nag-eexpect ka masusuklian niya iyon. Tandaan mo ginusto mo ibigay ang mga iyon sakanya kaya wag kang maging praning diyan at nag-aantay ka sa wala maliban nalang kung siya mismo ang humiling at ikaw naman si tanga sinunod mo kasi gusto mo. Ginusto mo talaga kaya wag ka nga diyan! Wake-up!
Paano ka nga ba babangon sa isang pangarap na hindi mo naman kayang isakripisyo? Na hindi mo naman kayang panghawakan?
Ang hirap ah! Pero bakit kapa babangon kung hindi mo nga kayang mag sakripisyo na hindi mo kayang panghawakan. Yan tayo eh! Pinipilit natin mga tao ang mga bagay na hindi naman natin kaya. Para ano? Masabing nalagpasan natin at maipagmalaki?. Oo nga naman, mapagmamalaki nga naman pala natin iyon kaso nga hindi nga matupad-tupad kasi nangangarap tayo ng gising. Kaya nga tayo nasasaktan kasi masayado tayo naghahangad ng mataas o naghahangad tayo masusuklian ng ibang tao ang ibinigay natin sakanila. Gusto mo matapos ang bumabagabag sa puso’t isip mo? Simple! Bago mo problemahin ang iyong kinabukasan, Ayusin mo ang kasalukuyan upang yung problema mo sa hinaharap ay maayos din okaya mag paghandaan mo sa tamang oras at panahon.
“Take a chance, Never have regret”
“Take a chance, Never have regret”
COOLas