Sunday, August 8, 2010

Bakit Nga Ba Tayo Umiinom?

Isang stereotype na madalas nating makita sa local movies at telenovelas ay mga taong bigo at desperado, may hawak na isang boteng alak, lasing na lasing at either naghahamon ng away o nagsisira ng gamit sa bahay. Kase siguro iniwan ng gelpren o asawa o…

Ewan ko. Ano pa bang problema ang madalas magtulak sa tao para maglasing?

Hindi sa nagmamalinis. Umiinom din ako at minsan nagkaka-amats din. I think back in college, umabot na rin ako sa point na magsuka sa sobrang lasing, at ito ay dahil sa kabiguan sa pag-ibig (may boypren na pala siya sinabi pa nyang mahal niya ako, tapos iniwan akong nakabitin, huhuhu).

Pero yun na nga. Kahit umiikot na ang mundo at saksakan na ng sakit ang ulo ko sa sobrang kalasingan, nasa isip ko pa rin ang problema. In fact, lalo lang tumitindi ang pagka-desperado. Sabi kasi, umiinom daw ang tao para makalimot. Eh hindi naman nangyayari yun eh. Sa akin, at least. Meron bang amnesia-inducing effect ang alkohol? Not in my experience.

Kung masama ang loob ko, I get in my bike and drive fast. REAL FAST. Dito kahit paano naibubuhos ko ang aggression that otherwise would drive me to punch someone through a wall. I don’t know why, there’s something about speed and the high-pitched scream of a tortured bike engine that relaxes me. Pero ito ay kung masama lang ang loob ko. Kung work stress, umiinom ako. At hindi nag-iisa. Dapat may kasama akong peeps whose company I enjoy a lot. Inom kami ng beer, kuwentuhan, asaran, laglagan, tawanan. Kapag stress sa trabaho o anything na nakakaubos ng lakas ko (hehe), ang sarap ng hagod ng ga-yelo sa lamig na beer sa lalamunan. Minsan pa nga, sa sobrang stress parang hindi na umuubra ang beer, so mag-iisa o dalawang shot pa ako ng tequila.

Irregardless…

(um, biro lang, hehehe)

REGARDLESS… the principle stays the same whether beer or tequila o sometimes Bacardi and laklakin. To relieve stress and have some good time. Of course, in moderation pa rin naman.

Pero hindi talaga maabot ng utak ko ang konseptong paglalasing para malimutan ang problema. I believe there are two myths when it comes to getting drunk:

1) Nakakagawa ka ng mga bagay na hindi mo alam o hindi mo gustong gawin - Bullshit ito, pare. Kahit lasing ka alam mo pa rin ang ginagawa mo. At hindi ka rin nakakagawa ng mga bagay na ayaw mong gawin. Everything that you end up doing while drunk are things that you’ve always wanted to do or wanted to do at the moment, but you wouldn’t otherwise have been capable of doing while sober because you’re inhibited. Kung lasing ka, nawawala lang ang inhibitions mo.

2) Nakakalimutan mo ang problema - Like I said, in my experience, this never happens. There are documented cases of people having partial amnesia while under the influence, pero I don’t recall this ever being scientifically proven.

Ito ang dahilan kung baket nung sinabi sa akin ng isang lasing kong kaibigan na type niya ako, hindi na ako ulit lumapit sa kanya. He’s a guy kase…

… Joke

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...