Tuesday, November 23, 2010

IMPOSIBLE KAYANG MANGYARI TO???

Imposible ba na ang lahat ng mga bata ay talagang magkaroon ng pagkakataon na maging bata? Na sila’y makapaglaro, makapag-aral, at maging ligtas sa mga sakuna dahil mayroong nagpoprotekta sa kanila? Tuwing nakakakita ako ng mga bata na nagpapalaboy o nagtatrabaho imbes na nag-aaral, nalulungkot talaga ako. Hindi man naging sobrang saya ng kabataan ko, masasabi ko naman na nagkaroon ako ng childhood at hindi lumipas ang mga panahon na iyon na hindi ko na-enjoy ang pagiging isang bata. Yung mga bata na naglalatag ng kamote, nakita ko sila sa Hidalgo, malapit sa simbahan ng Quiapo. Pinagmamasdan ko sila habang hinahanay ng maayos ang mga paninda nila. Minsan wala talagang ibang choice kung hindi ang kumayod din para sa ikabubuhay nila. Kahit saan ka nga tumingin may mga bata na nagtatrabaho sa murang edad. Minsan nagkakarga ng mga paninda sa palengke, nagbubungkal ng mga basura, gumagawa ng mga paputok, at kung anu-ano pa. Sana dumating ang panahon na mag-evolve ang society natin, at maging mas angkop para sa ikabubuti ng mga bata, tutal, sila naman ang pag-asa ng bayan talaga. Sana ang mga magulang, iisipin ng mabuti kung kaya ba nilang magtaguyod ng pamilya bago bumuo ng sangkatutak na mga anak. Imposible din ba na magkaroon ng mas maraming programa ang gobyerno para proactively na maprotektahan ang mga karapatan ng mga bata? Heto ang listahan ng mga karapatan na iyon:


1. Maipanganak, magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
2. Magkaroon ng mag-aalaga at mapagmahal na pamilya.
3. Mabuhay ng mapayapa sa isang komunidad and mabuting kapaligiran.
4. Makakain ng sapat at nagkaroon ng aktibo at malusog na pangangatawan.
5. Magkaroon ng edukasyon at mahubog ang kanilang potensiyal
6. Karapatan sa paglalaro at libangan.
7. Magprotektahan laban sa abuso, pagpapabaya, karahasan at panganib.
8. Madepensahan at matulungan ng pamahalaan
9. Mapahayag ang kanilang mga saluobin at pananaw.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...