"Heart breaks are blessings from God.. for he saves us from someone who doesn't deserved to be loved."
Friday, January 25, 2013
Bakit ako ngumingiti?
Bakit nga ba ako ngumiti? May pagkakataon na ayaw ko magsalita, at ngiti lang ang tinutugon ko sa mga tanong sa akin, narito ang ilan sa mga misteryoso kong pag ngiti.
Ito ang ilan sa pagkakataon nagamit ko ang pag-ngiti.
Pag tinanong mo ako nang:
“ Kumusta? Ayos ka lang ba? “
* Smile.
( Smiling doesn’t always mean that I am alright. Sometimes you’re just too weak to say the word ‘OK’ because that would make you even sadder for trying to convice yourself that you are really honestly Ok, but the truth is you are not.)
“Sorry ha, galit ka ba?”
*Smile.
( %#@&!!! ‘Yan talaga ang gusto mong sabihin at maraming-marami pa. You just use the magical smile to keep yourself in becoming a monster. I just smile with a clench fist and tightened jaws. Muntik na madurog ang mga molars ng ipin ko at isama mo pa pati ‘yung wisdom tooth sa pag pigil ng nararamdaman ko dahil hindi pwedeng magalit.
“Sorry ha, galit ka ba?”
*Smile.
( %#@&!!! ‘Yan talaga ang gusto mong sabihin at maraming-marami pa. You just use the magical smile to keep yourself in becoming a monster. I just smile with a clench fist and tightened jaws. Muntik na madurog ang mga molars ng ipin ko at isama mo pa pati ‘yung wisdom tooth sa pag pigil ng nararamdaman ko dahil hindi pwedeng magalit.
Oi! Pinapakinggan mo ba ako?
*Smile
(Tama ka! Hindi kita naririnig at hindi rin kita pinakikinggan, at hindi rin kita iniintindi! Makaramdam ka na naman noh! Ito ang mga pagkakataon sa buhay ko na gusto ng katahimikan at ikaw ang gumugulo nito. Makaramdam ka naman! )
“Uhm, girlfriend ko na pla si Sexy .”
*Smile. Nanginginig pa.
(Ito na yata ang pinaka-paborito at pinaka epektib na ngiti ko. Kung merong taong tinatawag na “eat and run”, ‘eto naman ‘yung panlaban ko, “smile and run faster” . Bakit? Dahil pag nanatili ako doon ng isa pang minuto, yari! Takbong mabilis na hindi nahahalata na tumatakbo ka, bago pa man pumatak ang malahiganteng luha sa mata ko. Slow motion ang eksena dito, mala-pelikula ang drama. Parang sinasadya ng langit na pabangalin ang oras, nananadya talaga. Nakakatuwang pagmasdan, tama, basta wag lang ‘yung ikaw iyong bida na tumatakbong palayo na luhaan. Ewan ko lang kung makatawa ka pa.)
Sa napakadaming pagkakataon, nailigtas ako ng mga ngiti ko sa kapahamakan, magugulong sitwasyon at mahaba-habang diskunyunan. Hindi sa lahat ng pagkakataong nabanggit ko kanina ay ganun ang iniisip ko. Madalas talaga na maganda ang araw ko, masayahin akong tao kaya mahilig akong tumawa at ngumiti. Madalas na nobenta porsyento (90%) totoong tawa nag nkikita ng tao sa akin. Ang natitirang poryento ay naghahati na sa pekeng ngiti at mukhang walang expresyon. Sana wag kayong magkamali kung anung ngiti ang ginagamit ko. Hindi ka plastikan ‘yun para sken, iniiwas ko lang kayo sa anghang ng pagsasalita ko.
umaga na pala.... iniisip ko pa rin kung bakit kaya ganun ang ngiti ni Mona Liza? …
br
cool
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment