sabi nila love move’s in mysterious way… pero tell me paano ba naging mysterious ang magmahal?? sige isa isahin natin kung bakit, paano, saan, kelan, at ano tayo magmahal…..
naranasan mo na bang:
~~magmahal sa isang kaibigan- magsisimula bilang isang mabuting pagkakaibigan, pero madedevelope into a romantic feeling
~~ magmahal sa taong hindi pa nakikita- actually uso to ngayon!! ahahah.. syempre sa dami ng social networking sites na sinasalihan like blogging and chatting! en even in texting. na kahit hindi mo pa nakikita eh nahuhulog na ang loob mo dahil sa palagiang pakikipag usap nyo.
~~ magmahal ng dalawa- minsan sa hindi sinasadyang pagkakataon eh nagmamahal tayo ng higit sa isang tao. (alam nyo bang mas mahirap at masakit ang nasa posisyon ng namimili kesa sa pagpipilian?) :)
~~ magmahal ng mahal ng isang kaibigan or malapit sa puso- eto na siguro ang pinaka mahirap na sitwasyon kung ikaw ay magmamahal, dahil dalawa lang ang pagpipilian mong kalabanin.. ang nararamdaman mo at konsenya mo.
~~ magmahal ng may mahal ng iba- dito pumapasok si ms/mr martyr! lolz. na kahit my kahati ka eh tatanggapin mo, mabigyan kalang ng kapiranggot na panahon at oras.
~~magmahal ng my mahal kang iba- minsan iniisip ko, kasalanan ba ang magmahal ng iba habang my mahal ka na?? pagtataksil naba ang tawag dito?? para sakin kase, hindi natin kontrolado ang puso hindi gaya ng utak.. kung magmahal man tayo ng iba sa di sinasadyang pagkakataon ay hindi eto kasalanan! magiging kasalanan lamang eto “if you entertain the feeling.”
~~ magmahal sa taong hindi mo nakakasama- well eto ang tinatawag na long distance relationship. sabi nila wala daw nagtatagal sa ganitong set up! dahil sa ibang tao walang silbi ang relasyon kung hindi mo naman eto nakakasama! pero my iilang tao naman na nabubuhay at kuntento sa salitang “LOVE” kahit malayo ang kanilang minamahal.
~~magmahal sa isang ilusyon- pagmamahal sa isang taong hindi ka man lang kilala or nagmamahal ng isang taong malayo sa buhay mo.
~~magmahal sa maling pagkakataon at panahon – hmmmm…alam nyo ba ang kantang somewhere down the road? ayun ang drama nito! :)
~~ magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin- awwwts! pero nangyayari eto, madalas! pero anung magagawa kundi lumayo, (biglang wala akong makoment dito lolz) saying move on or letting go is so easy to say but its the hardest thing to do ayyt?!!
~~ magmahal sa taong mahal ka- oh well obvious naman na eto ang uri ng pagmamahal na hinahangad ng lahat.. ang mahalin ng taong ating iniibig! ayieeee
ngayon ipaliwanag mo sakin ang kasabihang “love moves in mysterious way”! :)
at saan ka sa mga nabanggit ko?? AMININ! :)
No comments:
Post a Comment