Sunday, May 29, 2011

Paano Nga Ba Mag Move On Take Two ( Andyan Ka Nanaman ….)

Habang patulog ka at nakikinig ng radyo bigla ka makakarinig ng song na ..

Paminsan-minsan
Naaalala pa rin kita
Kahit ngayon mayr’ong nagmamahal na ngang iba
Tuwing maiisip mong damdamin nagbabalik

At para bang nar’yan ka pa sa aking tabi
Muling nadarama ang yakap ko
Matitikmang muli ang halik mo
Naririnig sinusumpang

Ako ay mahal mo..

TOINKS! erase erase! hanuu ba yan nakikinig pa kasi ng love songs eh.. tumigil ka , nataon lang na yan ang music sa radyo. Tapos maya maya inaayos mo na sarili mo para matulog bigla nanaman patutugtugin ang ganitong lyrics…

I’d still do anything for you
In spite of it all
I’ve learned so much from you
You made me strong
Don’t you ever think that I don’t love you
That for one minute I forgot you

But sometimes things don’t work out right
And you just have to say goodbye

Stop it! nakakabago ng mood itong mga songs nato.. patayin mo nalang kaya ang radyo … Sya pinatay na ang radyo.. bigla naman mapipikit ang mga mata mo tapos.. tapos.. mukha ng mokong na yun ang makikita mo.. Ano ba talaga????

Okey… so watcha gonna do when you thought you’ve already moved on from that (*^&_(^*+_ ##@@@ of yours? Then suddenly biglang mag aappear sa existence mo. Hello ??? Bakit ? Nang aano ka?

Nag text lang sayo ng hi.. wazzup? pa fall ka nanaman?? Wala kang kadala dala.. pa fall ka ha ? pa fall?!

Sasabihin mo na naka moved on na ko eh.. nag text lang nababahala ka na? So naka move on ka na non sa tingin mo? Well well… ganon talaga ang tao kasi mahilig mag emote eh.. nadadala ka lang ng sitwasyon kasi iniisip mo, bini big deal mo yun pag pansin nya sayo.. Oweno naman ngayon kung nag text ? text lang? Gusto ka lang i add sa friendster o facebook eh assuming ka na agad.

Mag hunos dili ka… kelangan mong panindigan ang pag momove on mo dahil diba sinabi mo sa sarili mo na tama na … owver na ayon kay melai ng PBB, as in owver na owver ka na sa kamartiran. Ano ba ang dahilan mo bakit mo sinabi sa sarili mo na dapat mag move on ka na? Dahil nasasaktan ka na ng bonggang bongga diba?

Masokista ka ba? Gusto mo nanaman maramdaman yun pakiramdam na para kang sinasaksak ng punyal, yun halos ayaw mo huminga dahil sa tuwing hihinga ka eh kasabay nun yun hindi maipaliwanag na sakit..

O common.. i know its really hard to move on.. lalo na at talaga namang minahal mo ng bonggang bongga si ex. Pero heto.. konting konti nalang eh makakalimutan mo na wala nang sakit, tapos bigla mag aappear watahecks na yan.

Tingin ko tinetest lang yung selfcontrol mo nyan, kung kaya mo pa panindigan yun sinabi mo sa sarili mo na mag momove on ka na nga. Pero paano ba ka ba naman mapapanatag nyan kung hanggang ngayon eh single ka pa rin at walang lablayp hindi ba nakakainis yun?

Oweno naman ulit ngayon? Tigilan mo na ang pagseself pity, wag ka nang mag ampalaya pa dyan.. let’s just accept the truth that nothing in this world is permanent.. people change.. hndi ka na nya mahal, mahal ka man o minahal ka man nya minsan may mga pangyayaring hindi natin kontrolado.. lahat ng magagandang bagay may katapusan din.. masakit ba?

Oo naman masakit lalo na kung isa kang sensitive na tao.. konting sakit iniinda mo ano ka baby? Konting pitik lang eh magngangawa ka na? Minsan kasi kelangan din nating turuan yun sarili natin na maging manhid para naman di tayo gaano nasasaktan.

At tigilan mo na ang pag iisip ng ano kaya? Naiintindihan mo ako? Gusto mo ng panibagong chance? Baka naman maging kontrabida ako sa tingin mo nyan dahil ang alam kong gusto mong marinig eh ang simpatya ko sa nararamdaman mo, ang makakapag pasaya ng puso mo sa tingin mo kakampihan kita?

Bahala ka sa buhay mo! Buhay mo kaya yan.. at ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo sa pagtupad
ng bonggang bonggang pag momove on dyan sa ex mo. Pero may tip ako sayo..

Isipin mo nalang ham yan… na gets mo? (medyo ginugutom lang..) Kapag daw iniisip mo ang isang bagay lalo mo ito maiisip. Tama naman yun. Kaya nga mas mataas utak natin sa puso kaya dapat gamitin mo utak mo hindi puro puso. Gusto mo sya makalimutan? May nabasa ako eh.. Para daw yang gripo.. pag binuksan mo ang gripo tatagas ang napakaraming tubig bumubulusok.. iyon ang mga memories nyo ni ex.. tulad ng walang katapusang sweetness sa isat isa at kung ano ano pa . At wag kanang mag ano ano pa dyan hinaan mo yun gripo hangang sa patak nalang ang matira.. Gawin mo yun self control lang ang katapat nyan.


It is finished - Tapos na. Past is past. At kapag ang isang pilikula ay tapos na tapos na. Pwera nalang kung nagustuhan mo talaga yun movie at gusto mo ulit ulitin, pero ulitin mo man ganon pa din ang ending diba? May movie ba na nabago ang ending pag inulit mo? Pwera nalang kung may part II o may saga katulad ng twilight yun. Pero tapos na nga diba?? Tapos na. End. Isaksak mo sa kukote mo yun.


ACCEPTANCE – Oweno naman ngayon kung talo ka? Naloko ka? Pinagtaksilan ka? Kahit ginawa mo na lahat para sa kanya pero sa huli sasaktan ka lang? Tanggapin mo na sa sarili mo ganon talaga ang life parang buhay, ang tao may kanya kanyang kapal ng balat.. kung ipinanganak na insensitive talaga yan ex mo.. wala ka na magagawa.. hindi nya maiisip yun … nabalutan na nga ng makapal na apog yun self nya kaya tama na. Walang mawawala kung tatanggapin mo sa sarili mo na naisahan ka. Gusto mong gumanti? Magpanganda / magpagwapo ka na lang.. smile ulet.. kahit mapait pa.. masasanay ka din nyan.


Dont hate your ex - Bakit eh_______ (bahala kung ano gusto mo sabihin sa ex mo) si ex bakit di ko sya kakamuhian? The more na kamumuhian mo sya the more na maiisip mo sya. At diba nakakalamang lalo sya.. habang si ex nagpapakasaya ikaw ito iniisip mo sya sa kung paanong paraan mo sya gustong isipin.. talo ka , alipin ka pa rin nya kahit nasaktan ka nya noon hanggang ngayon ba naman na wala na kayo pinapayagan mo pa rin masaktan ka nya? Tama na. At kahit paano may pinagsamahan din kayo.. wag mo nang ibulgar kung anong klaseng tao si ex. minahal mo yun eh… tapos sisirain mo? Kung sa tingin mo __________ ( insert your emotions here) si ex tantanan mo na sya, wag ka nang mag bitter bitteran sa kanya magmumukha ka lang desperate non.


Forgive and forget – Patawarin mo na. Tingin ko kahit ganon si ex gaano ka man nya nasaktan dun sa isang bahagi ng puso nya hindi nya sinasadya yun. May mga bagay lang talaga na hinde na pwede. Masisira lang ulo mo sa kakaisip ng kakaisip, nakakapanget yun… patawarin mo na at kalimutan mo na unti unti. Sasabihin mo nanaman hindi madaling lumimot.. madali lang yan.. refer to number 1. Isipin mo nalang ham yan .


Colossians 3:13
Bear with each other and forgive whatever grievances you may have against one another. Forgive as the Lord forgave you.

So ayan pinatawad mo na wala nang galit tapos andyan ka nanaman tinutukso tukso ang aking puso? One more chance mala John lloyd at Bea. Its still up to you. Gaano mo pa ba kayang i take? Mahal mo? Pero dapat this time wag ka nang eng eng. Make sure na kapag nakipagbalikan ka kaya mo dalhin ang sarili mo kung ano mang mangyari pa kung happy ending di maganda e paano kung dun lang din ulit ang bagsak?

Kaya next time na ma fall ka ulet.. hmmm mas mahalin mo naman yun sarili mo kaysa sa kanya . Tamang balance lang kapatid.. para di masakit pag bagsak . Sa ngayon hugs hugs na lang kita muna

At napahaba yata.. pero marami pa ko gustong sabihin kaso sobrang mapapahaba na kaya next time ulet


“Watching You Walk Out Of My Life Does Not Make Me Bitter Or Cynical About Love. But Rather Makes Me Realize That If I Wanted So Much To Be With The Wrong Person How Beautiful It Will Be When The Right One Comes Along.”

Monday, May 23, 2011

Paano Nga Ba Mag Move On?





Minsan sa buhay ng tao, meron tayong mamahalin ng sobra. At kung sino pa yun pinahalagahan mo at minahal ng sobra yun pa ang sobrang nakasakit sa atin. Sabi ng iba kung gaano ka daw nasaktan ganon mo din sya kamahal, kasi kaya ka nasasaktan kasi mahal mo, di ka naman daw masasaktan kung wala lang.


Heartaches kasama sa buhay natin yan eh. Pero paano nga ba ang gagawin mo pag yun sobrang minahal mo ay hindi pala para sayo? Iyon bang buong buhay mo pinangarap mo na sana sya na nga at sana kayo na forever. Pero yun forever na yun ay hindi pala “sya” .

Pinipilit mong intindihin pero hindi maabot ng tamang pag iisip mo, kung bakit hindi pwede maging kayo. Masakit , oo sobrang sakit , kung baga sa kanta “knife cuts like a knife how will i ever heal im so deeply wounded knife” meron pa.. ” the first cut is the deepest” o yun kay Michael V na

Sinaktan mo ang puso ko
Sinaksak mo ng kutsilyo
Binuhusan mo ng asido
Pinukpok ng martilyo

Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako’y naghihingalo
Mauubusan na ‘ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko

At marami pang kanta na sumikat dahil sa heartaches. Naiisip ko normal lang naman talaga ang masaktan eh. Kasi halos lahat ng tao nakakaranas non.

At dahil nakita ko sa stat na marami nagtatanong kung paano daw ba mag move on sa isang broken relationship? Eto ang sagot ko. Depende siguro sa sitwasyon kung paano ka nasaktan . May ibat iba kasing sitwasyon eh tulad nito:

Sobrang minahal mo sya, akala mo kayo na, umikot ang mundo mo sa kanya, pero nang tumagal nag iba na sya ng hangarin, iba na ang nararamdaman sayo.
Sabi nya friendship is all he/she can offer. Pag katapos ng lahat sasabihin nya cool off muna tayo, after a week or so friends na lang tayo. Hello? pwede ba yun? friends? can exlovers be friends? Mahirap yun.
O kaya its not you, its me.. hindi ikaw ang problema .. ako. Mga tamang alibi ba.
Eto ang mas masakit, ” Hindi na kita mahal, meron nang iba”
OR.. Ikaw lang ang may nararamdaman one sided love ba.
At marami pang scenario kung paano ka nasaktan. Ang hirap … kasi kung mahal na mahal mo tapos ganyan mga approach ang maririnig mo, malamang kung di malakas ang tolerance mo sa pain mabaliw kana. Una tatanungin mo ang sarili mo ..

BAKIT? BAKIT AKO PA? WALA NAMAN AKONG KASALANAN NAGMAHAL LANG AKO?.

Minsan sinisi mo pa si BOSING kung bakit nangyayari sa iyo ito? Ano ang gagawin ko? Bigla na lang tutulo ang luha mo… bababa ang tingin mo sa sarili mo, iisipin mo unlikable ka, loser, walang kwenta.. sadyang nakakababa ng self esteem pag yun taong gusto mo hindi mo makuha kahit anong gawin mo. . Mahirap kalaban ang puso lalo na ang ego.

Yung iba gagawa ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman.. magwawala, kung dati good girl.. ngayon ang tawag sa kanya ” GOOD GIRL GONE BAD” sisirain ang sarili dahil lang dun. Kung lalaki naman syempre good boy naging BADBOY .

Yun iba maglalasing, lulunurin ang sarili sa alak para mawala yun sakit na nararamdaman pero pag gising mo bukas doble ang balik sayo.. Broken hearted ka na nga broken head ka pa! Kasi masakit ang ulo mo sa hang over pero andun pa din ang sakit.

Yun iba naman maghahanap ng panakip butas which is not advisable kasi lalo lang lalala ang sitwasyon, may mga taong ka pang masasaktan at idadamay para mawala lang yan sakit na nararamdaman mo.

Paano ba mag move on?

Umiyak ka – Iiyak mo lang, hindi masama umiyak, pag sobrang sama na ng loob mo, minsan masarap umiyak, kahit lalaki ka pa umiyak ka lang, nakakagaan yun ng pakiramdam. Syempre sa tagong lugar ka umiyak or sa mga friends mo. Minsan masarap pag may humahagod sa likod mo habang umiiyak ka.


Magdasal ka – Humingi ka ng strenght kay Bosing para kayanin lahat ng pagdadalamhati mo. Without the help of God we can do nothing sabi nila. Thank him kahit sa heartaches pasalamatan mo sya, tapos mag sumbong ka sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya. Magugulat ka nalang dahil pag katapos mo mag pray ang gaan na ng pakiramdam mo.


Libangin mo sarili mo – Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa heartache mo, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan.


Develop new skills or learn new skill – Focus mo nalang ang atensyon mo sa ibang bagay, tulad ng pag aaral ng bagong skill, pwede ka ding mag blog, matuto mag drive, mag aral kang mag luto kung di ka marunong.. that way makakalimutan mo na yun misery mo may bago ka pang natutunan.


STAY AWAY FROM HIM/HER – Lahat ng memories nya itapon mo na kung gusto mo mag move on, kasi the more na nakikita mo mo mga gamit nya, maalala mo pa din sya, pati number nya burahin mo na sa phone mo, para hindi kana ma tempt na i text sya. Basta kung gusto mo maka move on dapat lahat ng bagay na nakakapag paalala sa kanya iwasan mo na.


Free will – Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Dapat kung gusto mo kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayanan na gawin yun. Dapat talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng sinasabi ko kung hindi ka pa ready, di ka talaga makakamove on. Lahat may rason, kaya dapat may rason ka din bakit mo gusto gawin ito.


Love yourself – Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sarili mo ayaw mo? Love yourself ika nga , magpaganda/ magpagwapo ka. Improve yourself. Tapos ngumiti ka.. yan ang pinaka murang pangpaganda/pangpagwapo.
Eto muna mashashare ko. Hindi naman ito mahirap gawin basta ba ready kana mag move on!

” The sand taught me one thing, you cant hold too many things, no matter what you do to make them stay, The wind will always blow them away… So learn to LET GO & choose carefully which you want to stay. Because like the sand, only those which in the center of our palm will last.. “

Thursday, May 19, 2011

How To Understand a Girl

  1. Let her decide if she wants you, its her life, what position are you in to decide for her?
  2. Its okay if she doesnt like you, you can just admire her from afar, or even talk to her or help her as a friend.
  3. Its better to be friends than be strangers.
  4. If she decides to be with you, cherish her.
  5. DO NOT stop her from doing things she enjoy/like.
  6. Give her some space, let her play with her friends, do not keep sticking to her, she will back come to you in the end.
  7. Make her happy every time you are with her.
  8. Cherish the time with her.
  9. Get to know her more, like the things she like, the way she does things.
  10. You will soon know whats the best gift to give her on occasions.
  11. Do not rush through things with her, she may not be able to accept you that fast, give her time, you will soon know that your wait is worth it.
  12. Comfort her, when shes down/depressed/etc.
  13. Lend her your shoulder, when she needs it.
  14. Embrace her, when she feels unsafe.
  15. Do not get her into trouble.
  16. Doesnt mean that you love her, you have to do certain things with her, thats not true. There are many ways of expressing your love for her.

Wednesday, May 18, 2011

Famous Mistakes in a Relationship

1. Relying on your feelings rather than your intuition.
Feelings regarding a new relationship will almost always involve powerful lust. This is natural. When an interest grows sexually, it grows as quickly and as surely as a child. Each interaction doubles the desire until the need to be constantly together becomes unstoppable; a temporary insanity that works for the human race. It’s right here, at these initial stages of lust and desire, that the intuition is disregarded. Warning signs regarding long-term difficulties are thrust aside by the strong emotions that are being felt. Being aware of what is happening is the only hope of touching your gut-feelings for a moment, a moment that could possibly avert a lifetime of problems.


2. Lack of self-confidence.
The feeling here is that you need someone to complete you; a piece is missing that you must find. With antennae up, the search begins, and because you are searching so intently, there is the tendency to grab the first thing that provides you with the attention that you so badly need. In this case, intuition and feelings surrender to a psychological need. The problem is, the insecurity is only solved temporarily, and down the road after the relationship cools, the constant attention that you require may not be there.


3. Thinking that things will automatically work out.
There is the tendency to put a new relationship on autopilot, as if it is divinely inspired. We look past any potential problems and just believe that everything will be fine. Part of this is due to sexual attraction, which nature has programmed to be invulnerable to logic! In this case, intuition is temporarily sidestepped, and the part of us that says, “Watch out!” is muffled in deference to procreating the species.


4. Falling in love with “love” rather than your partner.
Needing a relationship to solve your insecurity, loneliness, etc., regardless of the hapless person who fills that need, is destined for failure, simply because the entire emphasis is on your needs. This immature attitude will destroy a relationship in short order, or as soon as your partner doesn’t live up to your expectations.


5. Relying on self-help books and friend’s advice instead of your own intuition.
If we are in touch with our intuition, values such as honesty, compassion, and selflessness will become apparent in a potential partner. Friends and relatives might have other ideas, such as success or good looks, or books might tell us to consider religious or political affiliation. The key is differentiating our intuition from our lust.


6. Overconfidence.
This could be a symptom of being caught up in yourself, and could lead to arrogance and conceit. When you are arrogant, this means that you disregard other’s feelings, simply because you are the most important consideration at all times. You basically need only yourself, but sexual needs get in the way, and therefore you might feign a relationship for that purpose.


7. Confusing the realities of a relationship with eternal bliss.
This is confusing human relationships with conceptualized ideals of religious experience. The initial feelings of a relationship may be indeed transcendent, but they never last. The relationship gets real very fast, and when it does, a mature perceptive of human relationship must be understood.


8 Unwillingness to change and adapt to the relationship.
We might feel that our way is the right way and harbor strong opinions about what is right and what is wrong. If we can see these as only our opinions based on our personal experiences and exposure, and understand that our partner’s perspective may be quite different, this will go a long way in determining whether we will be able to compromise and be successful in building a strong relationship.


9. Comparing your relationship or partner with others.
This involves a number of problems based on fear, such as envy, insecurity, and greed (for something better than what you have). An initial relationship will never hold up to its promises, simply because it becomes stale, as anything does that we become overly familiar with. It’s just the way things work. Knowing and understanding these things at the get go is where we have a chance to convert a stale relationship into a mature relationship. It all depends upon our capacity to compromise our selfish desires with the things that our partner requires.


10. Creating a crisis to keep things interesting.
Fighting and making up recreates that initial exuberance, but when that no longer works, you might attempt to shore up a relationship with some kind of a long-term excitement or commitment. Children are a good distraction. The child rearing years temporarily create a diversion from the realities of a close relationship. They do end, however, and then what was not faced initially comes home to roost. Better to come to terms with the realities of a relationship initially, rather than forgo the reality until years later. Too many people break up in their forties and fifties when the children are gone and they are faced with their relationship again, but this time with no escape.

"Three Words That Make Relationships Better"

Three-Word Phrases, can be tools to help develop every relationship.

There are many things that you can do to strengthen your relationships. Often the most effective thing you can do involves saying just three words. When spoken sincerely, these statements often have the power to develop new friendships, deepen old ones and even bring healing to relationships that have soured.

The following three-word phrases can be tools to help develop every relationship.

~ Let me help:
Good friends see a need and then try to fill it. When they see a hurt they do what they can to heal it. Without being asked, they jump in and help out.

~ I understand you:
People become closer and enjoy each other more when the other person accepts and understands them. Letting your spouse know - in so many little ways - that you understand them, is one of the most powerful tools for healing your relationship. And this can apply to any relationship.

~ I respect you:
Respect is another way of showing love. Respect demonstrates that another person is a true equal. If you talk to your children as if they were adults you will strengthen the bonds and become closer friends. This applies to all interpersonal relationships.

~ I miss you:
Perhaps more marriages could be saved and strengthened if couples simply and sincerely said to each other “I miss you.” This powerful affirmation tells partners they are wanted, needed, desired and loved. Consider how important you would feel, if you received an unexpected phone call from your spouse in the middle of your workday, just to say “I miss you.”

~ Maybe you’re right:
This phrase is very effective in diffusing an argument. The implication when you say “maybe you’re right” is the humility of admitting, “maybe I’m wrong”. Let’s face it. When you have an argument with someone, all you normally do is solidify the other person’s point of view. They, or you, will not likely change their position and you run the risk of seriously damaging the relationship between you. Saying “maybe you’re right” can open the door to explore the subject more. You may then have the opportunity to express your view in a way that is understandable to the other person.

~ Please forgive me:
Many broken relationships could be restored and healed if people would admit their mistakes and ask for forgiveness. All of us are vulnerable to faults, foibles and failures. A man should never be ashamed to own up that he has been in the wrong, which is saying, in other words, that he is wiser today than he was yesterday.

~ I thank you:
Gratitude is an exquisite form of courtesy. People who enjoy the companionship of good, close friends are those who don’t take daily courtesies for granted. They are quick to thank their friends for their many expressions of kindness. On the other hand, people whose circle of friends is severely constricted often do not have the attitude of gratitude.

~ Count on me:
A friend is one who walks in when others walk out. Loyalty is an essential ingredient for true friendship. It is the emotional glue that bonds people. Those that are rich in their relationships tend to be steady and true friends. When troubles come, a good friend is there indicating “you can count on me.”

~ I’ll be there:
If you have ever had to call a friend in the middle of the night, to take a sick child to hospital, or when your car has broken down some miles from home, you will know how good it feels to hear the phrase “I’ll be there.” Being there for another person is the greatest gift we can give. When we are truly present for other people, important things happen to them and us.

We are renewed in love and friendship. We are restored emotionally and spiritually. Being there is at the very core of civility.

~ Go for it:
We are all unique individuals. Don’t try to get your friends to conform to your ideals. Support them in pursuing their interests, no matter how far out they seem to you. God has given everyone dreams, dreams that are unique to that person only.

Support and encourage your friends to follow their dreams. Tell them to “go for it.”

~ I love you:
Perhaps the most important three words that you can say. Telling someone that you truly love them satisfies a person’s deepest emotional needs. The need to belong, to feel appreciated and to be wanted. Your spouse, your children, your friends and you, all need to hear those three little words: “I love you.” Love is a choice. You can love even when the feeling is gone."

Tuesday, May 17, 2011

9 things women usually say

1.) Fine : This is the word women use to end an argument when they are right and you need to shut up.

2.) Five Minutes : If she is getting dressed, this means a half an hour. Five minutes is only five minutes if you have just been given five more Minutes to watch the game before helping around the house.

3.) Nothing : This is the calm before the storm. This means something, And you should be on your toes. Arguments that begin with nothing usually end in fine..

4.) Go Ahead : This is a dare, not permission. Don’t Do It!

5.) Loud Sigh : This is actually a word, but is a non-verbal statement often misunderstood by men. A loud sigh means she thinks you are an Idiot and wonders why she is wasting her time standing here and arguing With you about nothing. (Refer back to #3 for the meaning of nothing.)

6.) That’s Okay : This is one of the most dangerous statements a woman can make to a man. That’s okay means she wants to think long and hard before deciding how and when you will pay for your mistake.

7.) Thanks : A woman is thanking you, do not question, or Faint. Just say You’re welcome.

8.) Whatever : Is a women’s way of saying F@!K YOU!

9.) Don’t worry about it, I got it: Another dangerous statement, meaning this is something that a woman has told a man to do several times, but is now doing it herself. This will later result in a man asking ‘What’s Wrong?’ For the woman’s response refer to #3.

Monday, May 16, 2011

Bakit nga ba tayo nagmamahal?

why do we love ba?
so we can have somebody to talk to?
someone who can be there pag gusto natin gumala?
a person na pwedeng manlibre satin?
taong magbibitbit ng gamit mo?

ALALAY for short!

eh pano kung di ka nya mahal?
would you still love him/her?
would you still continue to care for that person?

bakit naman hinde?

you didn't love that person para magkaroon ka ng alalay,
magkaroon ka ng instant meal dahil libre,
taong gagawa ng assignments mo or projects,
or taong mahihila mo if you want to go out...

if that's what you think about love, well sorry.. ang BABAW mo!

loving a person doesn't need to have a criteria
na dapat maganda o guwapo,
dapat mabait or understanding,
kasi once you fall inlove you take the risk of
accepting dat person
kahit maingay sya matulog, yung hilik ng hilik
kahit matakaw sya o sobrang fat na hindi kayo
kasya pag puno ang jeep!
kahit sobrang moody nya na kulang nalang ay
sapakin mo sa inis!
yung sobrang selosa/seloso na pati barkada
pinagseselosan..
badtrip diba?
and yung napaka-arte, OA kung baga!
o kahit ano pang things
that would turn you off...

hirap tlaga magmahal trying to be PERFECT kase
gusto mong magtagal,
pero hindi yun ang sagot sa lahat...

ACCEPTING the real person fully..

kase if you said na mahal mo sya you don't need
to find answers
kung bakit mo sya mahal...
kase lahat ng tao nagbabago, but if you accept
that person
magbago man sya in the middle of your
relationship
hindi ka masasaktan kase you know that darating
din yun..
tsaka tanggap mo sya ng buo...

mahirap gawin pero masarap subukan dahil
wala ng sasaya pa if you let one person feel na
MAHAL NA MAHAL MO SYA without asking 4 anything in
return...

then you can say, wow un pla ang LOVE!

and what about you....?

*found this when i was surfing the net and thought this is a pretty cool piece to blog about so yeah. hmmm. oo nga. tama tong poem or whatever na'to pero ang hirap kcng tanggapin n lang din eh.

eh pano nman ung cnasbe nilang kung mahal mo ang isang tao magbabago ka diba?

anyway.

un nga. dapat daw i-accept na lang nten ung taong mahal nten kung ano cla at kung cno cla dahil sa una pa man bago nten cla mahalin eh ganon na cla.

eh pano kung tanggap mo nga cia. tinanggap mo na lahat lahat at pinagpapacenciahan mo na ang lahat lahat ng ginawa at ginagawa nea pero ganon pa din nasasaktan ka p din at s tingin mo taken for granted ka. ccge ka p rin ba dahil cnabe mo n tanggap mo na cia? magulo diba.

sa ibang tao isa ka nang malaking hunghang. tonto. tanga. pero pero okay lang yan. bakit? kc nde nman cla ung nakakaramdam ng nararamdaman mo eh. nde cla ung nagmamahal. minsan kc sa mga taong nagmamahal naniniwala tayo s "goodness" ng minamahal nten dahil after all tayo nman ang kinakasma nila or partner nila. keber sa iicpin ng ibang tao diba. pero tandaan din natin na may hangganan ang lahat.

hindi tayo pwedeng maniwala na lang lagi na dadating ang panahon na titigil din ung pain dahil kung ung taong minamahal mo nman eh sadyang manhid at ubod ng itim ng budhi eh wala na tyong magagawa dian. sabi nga ni kuya Bob Ong "walang gamot s tanga kundi pagkukusa."

Basta basta. sa palagay ko lang ah. sa gantong sitwasyon. mahalin mo n lang ng todo ung taong mahal mo. bigay mo ung lahat ng makakaya mo. pagiintindi, trust, pagmamahal, lahat lahat na. Tpos pag wala talaga. Sorry na lang tyo. Pero atleast masasabi namen sa sarili naten na ginawa nten lahat. At atleast din alam nten na wala tlga sten ang pagkukulang ("pagsosobra" lang na ayoko n discuss dael ibang usapan n nman un. hehe). Kumbaga di lang talaga kayo meant to be. Chaka hindi din tayo mumultuhin ng "what if's". Haaaaay. Pag-Ibig nga naman noh? nakakabaliw. pag tinamaan ka. daig mo pa ang schizophrenic.*

Friday, May 13, 2011

Words of Encouragement to One You Love

It’s tough to see a loved one slogging it out through a difficult time, but giving words of encouragement to one you love can help them through a rough patch.

Everyone goes through painful times in their life; it’s part of being human; but it’s when one becomes bogged down in the event when you feel as if you can’t ever extract yourself from the memory and the pain, that offering just the right note of encouragement and love can keep your loved one’s head above water. All you need to do is to let them know you’re there, but sometimes you can’t break through that wall, if the hurt is so bad and all-encompassing.

How Do You Reach A Person in Pain?

When the hurt is serious - the death of a spouse or parent - you can expect that there’s a period of time where there isn’t anything else to do but let the pain happen. Grieving for someone who meant the world to you is as natural and normal as, unfortunately, dying is.
You don’t have to lose someone through death to feel as if the world has ended. It’s easy for a person not experiencing a terrible event to think that the sufferer should just “get over it.” It’s not that easy in reality though. If it were, there’d be a lot of unemployment psychiatrists and counselors in the country!

Empathy Is the Key

Let your loved one know you’re there. Sometimes a touch of the hand and a kind word can be enough to break through the barriers of pain.
It may not seem like much, but for someone who is hurting, the mere act of being there, when they need you, without saying a word, can be enough to get the over the hump.

The Right Words of Encouragement to One You Love

As cliched as it might sound, sometimes the words “I love you” can make a huge difference. Do you say them often enough? Do the people you love hear it from you, and when you say those words, do you mean them?
There’s nothing like being in a world of pain to make a victim especially sensitive to who is being honest with them, and who isn’t. They need to know you love them, and they need to hear it from you, even if you think “they know that already.”
The victim also needs you to be honest with them, even as you search for the right words of encouragement to one you love. You have to put aside judging them, but you also need to tell them the truth. Fortunately, there are ways of being honest (“This will pass. I know it will.”) without being bluntly, coldly truthful (“Get over it already! You’re such a baby!”)
Both statements might be true, but the last thing a person in pain needs is to be told that they’ve failed with something you think is so obvious that it’s something “everyone knows.”
Obviously everyone doesn’t, or your loved one wouldn’t be hurting. It’s not a mere matter of “getting over it.” Time will make a difference, but so will them knowing you aren’t rejecting them for not being able to see past their pain right now.

Be Kind

Yes, it seems obvious, but it’s easy to get frustrated with someone you love, who doesn’t seem to be getting over “it,” whatever “it” may be. It’s natural to feel yourself losing your temper, when this is something you think you could handle so much better.
Everyone goes through those times, and the best way to ride the rough waves is to endure them. It can be done; your loved one will survive, but he also needs to know it’s okay for him to let himself hurt. He can’t be in such a rush to “get over it” that he tamps the hurt down, where it can fester and make the future even worse.
So remember: be kind when you’re looking for the right words of encouragement to one you love. You can do it. Just put yourself in their place, and imagine how you’d feel if you were on the receiving end of your words.

br,
cool

Wednesday, May 4, 2011

hayst....

hayst buntong hininga muna ako........

hirap pala ng walang ginagawa

nakatunganga naghihintay sa wala

lalo na kung andito ka sa disyerto na walang tao

i mean is matumal na pwesto

kaya ito nagmumuni muni sa harap ng pc

hirap kasi kung wala ginagawa eh nagmumukhang tanga :(

ikaw pag ganitong oras o ganitong panahon anu ang unang pumapasok sa isipan mo?

tulad ko din ba? ;))

mabuti na lang may blog ako

na pwede maglagay ng kung anu-ano :))

salamat sa nakaisip nito...

o sya mamaya baka may maisip ako na topic

babush.......

Monday, May 2, 2011

Para Sa Mga Taong Bitter

Nagmahal ka na ba? Mahal ka ba nya? O may mahal syang iba?

Kung ang kaligayahan mo ay ang kaligayahan nya, at ang kaligayahan nya
ay sa piling ng iba, kaya mo kayang ibigay ang kaligayahan mo para sa
kaligayahan nya? Kung ang sagot mo ay oo, mahal mo nga sya. Dahil ang
kalagayan mo ay ang kabiguan mo, at ang kabiguan mo ay ang mismong
kaligayahan mo. Para yan sa taong mahal mo, pero para sa taong yun,
walang halaga ang kaligayahan mo. Masakit isiping ang nararamdaman mo
ay mismo ring nararamdaman nya. Ngunit hindi para sayo pero para sa
iba! Nasaktan sya. Nasaktan ka, Umiiyak sya. Umiiyak ka. Ngumingiti
sya. Ngumingiti ka. Sumasaya ka dahil sa kanya at sumasaya sya dahil sa
iba. Nagmahal kayo sa taong parehong hindi kayo mahal. Eh bakit kasi
hindi na lang kayo ang magmahalan? Eh bakit kasi sya pa ang minahal mo?
Tanong din nya sa sarili nya “Bakit kasi sya pa ang minahal ko?” Eh
kasi tanga kayo! Katangahan ang magmahal, sabi nila. Hindi naman totoo
yun. Tao lang ang nagpapakatanga, pero hindi ibig sabihing pag may
minahal ka, tanga ka na. Bakit? Nasa sayo naman yun kung pipiliin mong
lokohin ang sarili mo o hindi. Matalino ka naman. Hindi naman masamang
magisip. Love Is Blind daw… Hindi din. Tao lang din ang nagpapakabulag.
Swerte mo na lang kung yung iniibig mo o ang Pinili mong iibigin ay
iniibig ka din. Yung tipong pareho kayong nararamdaman. Pareho ng
Wavelength. May Chemistry. At biologically compatible. Equals. Perfect
Match kayo di ba?. E pano kung hindi?

Pano kung pareho kayong
magnet? Magnet? Eh diba dapat attract. Hindi Magnet, kasi kayo yung
north pole at south pole sa iisang magnet. Opposite. Hatiin mo man,
north at south pa rin kayo. Sa kabilang dulo, kahit tadtadin mo pa
kahit sa pinakamaliit na piraso, hindi pa rin kayo mapaghihiwalay para
pagsamahin. Pwede ang ibang magnet. Ibang north at south pole. Pero
kayo, hindi, kasi dulo’t dulo kayo. Parang ganito, opposite poles
attract pero nagkataun na opposite poles nga kayo pero nagkataun din na
iisang parte kayo. Parte nyo ang isa’t isa pero hindi maaaring maging
kayo. Gets mo ba? Malabo ba? Ah basta yun na yun. Kung nalalabuan ka
mag hanap ka ng magnet na diretso lang. hanapin mo yung north at south
pole nito. Tignan mo kung mapagsasama mo nang naka hiwalay
Kung
magkagayon man, na ginawa mo na ang lahat para maging kayo pero wala pa
ring nagyayari, eto ang mabuti mong gawin; gumising ka sa katotohanan!
Hindi ikaw ang kanyang mahal at hindi kayo magiging kayo. Kaya wag mo
nang pangaraping maging baliw para rin lang sa isa pang baliw na
katulad nya. Wag mong sayangin ang pagkakataong hinihingi ng iba. Dahil
kung nagmamahal ka ng taong walang pakialam sayo, maaaring may
nagmamahal sayo pero wala sa kanya ang puso mo. Sabi nga sa mga titik
na to; “It hurts to love someone who doesn’t give you time of day but
what will hurt you more is to realize that someone you don’t give the
time of day loved you and gave up because you love someone else.”

Nakokornihan na ako sa mga sinasabi ko. Pero totoo naman di ba? Baka
yung taong binabalewala mo, sya pala yung taong pinapangarap mo. Sya
pala yung para sayo. Kaya Kung ako sayo, simulan mo nang pansinin ang
mga taong nasa paligid mo.

ot.

pero hindi ako un baka paglingon mo makita mo ako :P

Sunday, May 1, 2011

kay SARAP balikan ang NAKARAAN :)

kaysarap balikan ang nakaraan
Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN…

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay,
kung meron, gumamela lang;

2 pesos o piso lang ang baon: piso sa umaga, piso sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.

Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic,
o kaya sa tumana;

Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal’s office
o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa,
mapagtapos ang mga anak…

Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala;
wala namang karnaper noon.

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili:
trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na
maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na
maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno;
patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna
para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan);
sumpak, pilatok, boca-boca, borador,tirador atbp.

Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata:
kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba,
turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip
Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)

May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging
dahil sa kulugo;

Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology…
di ba minsan nangarap ka na rin… mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik…

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
maraming addict at masasamang loob…
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong
mapahamak o mapariwara… Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila
tayo…

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit…

Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.

Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga ipod,iphone,psp at game boys.
Tayo noon… Doon …

Tinutukoy ko ang patentero, harang taga o tumbang preso kapag
maliwanag ang buwan;

Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan
ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
"Mga Aninong Gumagalaw"

Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
kabisado na tin, kasi wala namang calculator.

Pag-akyat natin sa mga puno;

pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ;

Pagtikwas o pagtitimba sa poso;
pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman
ang ulo ng babae;

Inaasbaran ng mga suberbiyo;

Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.

Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?

Pamimili ng bato sa bigas;
tinda-tindahan na puro dahon naman;
bahay-bahayan na puro kahon;
naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?

Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;
pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;

Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya
ng lukaok, susuwi at espada?

Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata…
Estigo santo kapag nagmamano.

Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo;

matakot sa "berdugo" at sa "kapre";

Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!

Yung crush mo?

Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -
alembong, taeng-kabayo o biscocho?

Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang
libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
mas masaya kung inuyat;

Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.

Madami pa…

Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan;
ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo;
ang duhat kapag inalog sa asin;
ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin…

Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;

Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka;
o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.

Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;

Naglululon ka ng banig pagkagising;
matigas na amirol ang mga punda at kumot;
madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba?
Pwede rin sa laylayan…

May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.

Di ba masaya? Naalala mo pa ba?

Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon…
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon…

Di ba noon…
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin:
"sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"…
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
carabao batuten…

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka;
kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.

Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero
sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.

Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo;
meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.

Kung naaalaala mo ito… nabuhay ka na sa
KAPAYAPAAN!

Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

PAG-IBIG: para sa'yo at para sakin

Ang pag-ibig ay napakalakas na emosyon ng isang tao. Madalas mas marami tayong nagagawang mga bagay ng dahil lang sa pagi-ibig. Maraming mga sakripisyo at pagbibigay nang dahil lang sa pag-ibig. Ngunit hindi lamang ito basta basta nabibigay at nakukuha mula sa isang tao. Ito ay kinakailangan ng tiyaga at pagiging totoo, nde lamang sa iba kundi pati narin sa ating mga sarili. Dahil kung hindi natin kayang mahalin ang ating mga sarili, maaaring magiging mahirap na buksan ang ating mga puso para sa iba. Ang totoong pagmamahal ay hindi nasusukat sa kung anong meron ka sa buhay. Hindi mahalaga kung san ka nakatira at kung may kapansanan ka sa iyong katawan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili kung sino ang karapat dapat nating mahalin. May kasabihan ngang dapat natin mahalin kahit ang ating mga kaaway, hindi ba? Kaya kahit na sa mata ng ibang tao ay mali, huwag nalang natin pansinin sapagkat tayo ay my karapatang magmahal at mahalin ng kahit na sinong gusto natin at kahit sinong may gustong mgabigay nito sa atin.

Sa mundo ng pag-ibig, nandyan ang pag-ibig galing sa Diyos, sa ating mga magulang, mga kamag-anak, at ating mga kaibigan. Ngunit my isang klase ng pag-ibig na tila hinahanap-hanap ng lahat ng tao. At iyon ay ang wagas na pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki. Umaasa na balang araw ay makita na ang taong nakatakdang makakasama habang buhay. Sa henerasyon natin ngayon, ang dami kong naririnig na mga iba’t ibang kwento tungkol sa pag-ibig. Halimbawa na lamang ay ang mga palabas sa telebisyon at mga pelikula na pumapatok sa halos lahat ng tao dahil ito ay nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa atin. At hindi naman mawawala ang mga kwento na galling sa ating mga kaibigan. Mga kwento ng mga nabigo at nasawi sa pag-ibig at ang mga kwentong tila parang teleserye narin kung pakikinggan. Maraming tao ang nabibigo dahil sa hindi pa iyon ang tamang tao para sa kanila o kaya’y simpleng hindi pa iyon ang tamang panahon para umibig. Minsan nang dahil sa kakulangan sa pasensya, tayo din ang nasasaktan sa huli. Hindi talaga dapat minamadali ang mga ganitong bagay dahil wala naman sa atin ang pagdedesisyon kundi nasa Diyos lamang. Siya ang magsasabi sa atin kung sino at kalian tayo iibig.

Napakasarap ng pakiramdam kapag ika’y umibig sa isang tao. Halimbawa nalang yung magsisimula sa pagiging magkaibigan hanggang sa mahuhulog ang loob sa isa’t isa. Minsan hindi pa agad mamamalayan dahil sa sobrang malapit lng talaga sila sa isa’t isa. At isang araw, mapapansin nalang bigla na may espesyal na palang namamagitan sa kanilang dalawa. Yun nga lang ay hindi pa agad malalaman kung totoong pag-ibig na nga ang namamagitan sa kanila hanggang tuluyang makilala nila ang isa’t isa. Maaaring sabihin na sila na talaga habang buhay pero kapag may dumating naman na pagsubok sa relasyon nila at hindi nila malampasan, malamang sa hindi ay magkakahiwalay din sila. Pero kung ang isang magkasintahan ay kayang lampas an ang kahit anong pagsubok na dumating sa relasyon nila, meron na silang panghahawakan na talagang habang buhay na sila magsasama dahil doon malalaman ang katatagan ng kanilang pag-ibigan. Katulad nga ng sinabi ko na ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili, dapat ay inuunang bigyan ng pagiintindi at pagmamalasakit ang iba bago ang ating sarili. Kahit na gaano pa ito kahirap para sa atin, magagawa natin iyon kung talagang mahal natin ang isang tao.

Kaya ko pang magsulat ng magsulat tungkol dito, pero sadyang napakalawak ng usaping ito. Ang masasabi ko lamang ay huwag tayo mawalan ng pag-asa pagdating sa pag-ibig sapagkat kahit hindi dumating ang nag-iisang tao para sa atin, wag nating kalimutan na hindi tayo nag-iisa sa mundo. Maraming taong ngmamahal sa atin at un ang mahalaga. Hintayin lang natin kung ano man ang plano ng Diyos sa buhay natin dahil sigurado namang hindi Niya tayo pababayaan. At hindi rin Niya gugustuhin na maging malungkot nalang tayo habang buhay. Magtiwala lang tayo sa Kanya at lahat ay magiging maayos sa ating buhay.

br.
cool :D
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...