Sunday, May 1, 2011

PAG-IBIG: para sa'yo at para sakin

Ang pag-ibig ay napakalakas na emosyon ng isang tao. Madalas mas marami tayong nagagawang mga bagay ng dahil lang sa pagi-ibig. Maraming mga sakripisyo at pagbibigay nang dahil lang sa pag-ibig. Ngunit hindi lamang ito basta basta nabibigay at nakukuha mula sa isang tao. Ito ay kinakailangan ng tiyaga at pagiging totoo, nde lamang sa iba kundi pati narin sa ating mga sarili. Dahil kung hindi natin kayang mahalin ang ating mga sarili, maaaring magiging mahirap na buksan ang ating mga puso para sa iba. Ang totoong pagmamahal ay hindi nasusukat sa kung anong meron ka sa buhay. Hindi mahalaga kung san ka nakatira at kung may kapansanan ka sa iyong katawan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili kung sino ang karapat dapat nating mahalin. May kasabihan ngang dapat natin mahalin kahit ang ating mga kaaway, hindi ba? Kaya kahit na sa mata ng ibang tao ay mali, huwag nalang natin pansinin sapagkat tayo ay my karapatang magmahal at mahalin ng kahit na sinong gusto natin at kahit sinong may gustong mgabigay nito sa atin.

Sa mundo ng pag-ibig, nandyan ang pag-ibig galing sa Diyos, sa ating mga magulang, mga kamag-anak, at ating mga kaibigan. Ngunit my isang klase ng pag-ibig na tila hinahanap-hanap ng lahat ng tao. At iyon ay ang wagas na pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki. Umaasa na balang araw ay makita na ang taong nakatakdang makakasama habang buhay. Sa henerasyon natin ngayon, ang dami kong naririnig na mga iba’t ibang kwento tungkol sa pag-ibig. Halimbawa na lamang ay ang mga palabas sa telebisyon at mga pelikula na pumapatok sa halos lahat ng tao dahil ito ay nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa atin. At hindi naman mawawala ang mga kwento na galling sa ating mga kaibigan. Mga kwento ng mga nabigo at nasawi sa pag-ibig at ang mga kwentong tila parang teleserye narin kung pakikinggan. Maraming tao ang nabibigo dahil sa hindi pa iyon ang tamang tao para sa kanila o kaya’y simpleng hindi pa iyon ang tamang panahon para umibig. Minsan nang dahil sa kakulangan sa pasensya, tayo din ang nasasaktan sa huli. Hindi talaga dapat minamadali ang mga ganitong bagay dahil wala naman sa atin ang pagdedesisyon kundi nasa Diyos lamang. Siya ang magsasabi sa atin kung sino at kalian tayo iibig.

Napakasarap ng pakiramdam kapag ika’y umibig sa isang tao. Halimbawa nalang yung magsisimula sa pagiging magkaibigan hanggang sa mahuhulog ang loob sa isa’t isa. Minsan hindi pa agad mamamalayan dahil sa sobrang malapit lng talaga sila sa isa’t isa. At isang araw, mapapansin nalang bigla na may espesyal na palang namamagitan sa kanilang dalawa. Yun nga lang ay hindi pa agad malalaman kung totoong pag-ibig na nga ang namamagitan sa kanila hanggang tuluyang makilala nila ang isa’t isa. Maaaring sabihin na sila na talaga habang buhay pero kapag may dumating naman na pagsubok sa relasyon nila at hindi nila malampasan, malamang sa hindi ay magkakahiwalay din sila. Pero kung ang isang magkasintahan ay kayang lampas an ang kahit anong pagsubok na dumating sa relasyon nila, meron na silang panghahawakan na talagang habang buhay na sila magsasama dahil doon malalaman ang katatagan ng kanilang pag-ibigan. Katulad nga ng sinabi ko na ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili, dapat ay inuunang bigyan ng pagiintindi at pagmamalasakit ang iba bago ang ating sarili. Kahit na gaano pa ito kahirap para sa atin, magagawa natin iyon kung talagang mahal natin ang isang tao.

Kaya ko pang magsulat ng magsulat tungkol dito, pero sadyang napakalawak ng usaping ito. Ang masasabi ko lamang ay huwag tayo mawalan ng pag-asa pagdating sa pag-ibig sapagkat kahit hindi dumating ang nag-iisang tao para sa atin, wag nating kalimutan na hindi tayo nag-iisa sa mundo. Maraming taong ngmamahal sa atin at un ang mahalaga. Hintayin lang natin kung ano man ang plano ng Diyos sa buhay natin dahil sigurado namang hindi Niya tayo pababayaan. At hindi rin Niya gugustuhin na maging malungkot nalang tayo habang buhay. Magtiwala lang tayo sa Kanya at lahat ay magiging maayos sa ating buhay.

br.
cool :D

14 comments:

  1. pag-ibig...mahabang talakayan yan...para yang bola...nakakahilo...paikot ikot...pero ang pag-ibig..once na maramdaman mo..para kang nasa alapaap...sa sobrang saya...nakakalimutan mo na madalas ang problema...ang pag-ibig...depende sayo kung hahayaan mo lng maramdaman...

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag pag-ibig na ang pinag-uusapan hindi lang yan nanggagaling sa taong nagmamahal sayo...maaaring sa magulang na hindi tayo iiwanan...

      Delete
    2. Ndi naman cguro lingid s kaalaman naten ung tntwag na triangular theory of love,
      PASSIONATE LOVE-eto pinaka marupok na part..dto pumapasok ung mga tntwag nteng love at 1st syt,infatuati0n or wat we call self-benefit love..
      INTIMATE LOVE-s part na to dito na ngkakapalagayan ng l0ob, kn0wing each other better, dto COMMUNICATION is the m0st important..
      Then BEING COMMITTED-eto ung part na ung responsable kna, pinaglalaban o inaalagaan mu na ung ta0ng mahal mu, keeping your relationship working..pwde dn dto ung cnsve nila na unc0nditi0nal love ng magulang..
      However,sa syd q,love will always be a matter of choice, ung tip0ng kya mung harapin lahat ng hirap at saya,ksma xa,o cla..(family) just kn0wing to your self na sa lahat ng ngyayare s buhay ai planado at ginagabayan tayo ni GOD to make us a better pers0n and a better lover...

      Delete
  2. ang pag-ibig maraming pinanggagalingan yan..pero ang nasa pinakamataas ay ang pag-ibig mula sa magulang dahil kahit kailan hindi nila tayo iiwanan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka....at kailangan nating ibalik ang pagmamahal na iyonn sa kanila..

      Delete
    2. tama namn yan pero hindi lahat ng mga anak ay may mapagmahal na magulang....

      Delete
    3. oo..pero kahit ganoon pede natin silang mahalin kahit hindi nila tayo mahall..dahil magulang natin sila..

      Delete
    4. at sa pag-ibig hindi kailangan ibigay lahat..

      Delete
    5. at hindi pagdating sa pag-ibig mayos ang lahat...maaaring maayos nito ang gulo...yun tototo..

      Delete
    6. tama..dahil walang magulang na kayang tiisin ang anak,pero may mga anak na kayng tiisin ang mga magulang..kahit gaano kahirap ang sitwasyon,andyan pa rin ang mga magulang na unang handang tumulong at gumabay para sa kanilang mga anak.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...