Sunday, June 19, 2011

Para sayo itay kahit wala ka na

Naalala mo pa ba nung una mo ko makita

Sabi ni Ina ika'y naglululundag sa ligaya

Sa wakas anak na lalake ay nabiyayaan ka na

Feel na feel mong tatay ka na talaga



Naalala mo pa nung unang araw ko sa iskwela

Sabi ni Ina aking baon ay maaga mong inihanda

Gumising pa nga daw ikaw ng pagkaaga-aga

At sa iskwelahan ay inihatid kasama ni mama



Naalala mo pa tuwing nagtatapos ang taon sa iskwela

Sainyo ni Ina laging hatid mga ribbon at mga medalya

Lahat ng inyong paghihirap sinusuklian ko naman di ba

Minsan man pasaway ika mo nga'y ganun talaga ang bata



Ako naaalala ko hinding hindi mo ko pinapalo

Kay Ina sampal,kurot kulang na lang paluhurin sa munggo

Minsan pa nga kayo na ang nag-aaway mismo

Pero higit sa lahat,kahit anupaman MAHAL NA MAHAL KO KAYO.



Nung ika'y nagkasakit,hinding hindi ko makakalimutan ito

Pakiramdam ko noon ay napakasamang anak ko

Oo nga't sabay kong ginagawa pag-aaral at trabaho

Hindi ko ata naipakita sayo ang halaga mo sa buhay ko



Isang gabi ako'y nagising na lamang sa himbing na pagtulog ko

Unang unang narinig ay ang malakas na hiyaw mo

Sobrang sakit ang hatid saiyo ng karamdaman mo

Sa isang tabi ay napaluha ako,"aalis na kaya ang tatay ko?"



Noon pa man tanggap ko na ang kalalabasan nito

Pero masakit pa rin talaga mawalan ng mahal mo

Mahirap para kay mama at saming mga supling nyo

Ngunit ito'y kagustuhan sa Taas kaya maluwag na tinanggap ito



Alam kong pareho nating naalala ang pangako ko saiyo

Bago pa man ibinaon sa lupa ang katawang lupa mo

Sa gabay mo at ng DIYOS AMA iyon ay tutuparin ko

PARA KAY MAMA AT MGA KAPATID KO,KAYONG LAHAT ILOVEYOU!

happy fathers day poh

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...