Sunday, June 9, 2013

KWENTO NG ISANG MAGULANG:

Huwebes ng hapon noon, galing ako sa isang birthday party… pagkatapos tumunga ng dalawang bote ng beer ay nagpaalam na ako…. mukha kasing uulan, ayokong maabutan ng ulan sa daan. Anak ng pitong kamalasan, tumirik ang kotse ko sa daan… no choice kailangan kong bumaba para ayusin ang makina. Sobrang malas talaga at naiwan ko ang gamit ko, nag uumpisa ng pumatak ang ulan… kung bakit kasi hindi agad sinauli ng kumpare ko na nanghiram ang mga gamit ko sa pag-aayos ng kotse. May natanaw akong isang bahay, nagbakasakali akong tumawag… lumabas ang isang matandang lalaki, siguro mga 70 yrs old na…

“ Magandang hapon po ‘tay, nasiraan po kasi ako eh, di ko po nadala ang gamit ko baka po may lyabe kayo ay pliers jan?” ngumiti sya sa akin, maya maya at bumalik at may bitbit na bag at dalawang payong, iniabot sa akin. Sumama pa sya sa akin sa aking kotse… malaki ang deperensya, mukhang tinamaan nga ako ng napakalaking malas. Inaya ako ng matandang magkape muna sa kanila, medyo malamig nga at basa na rin ako ng ulan kaya sumama ako.

Pagpasok namin ng bahay ay nakita ko na hindi maayos iyon… sabi nya pasensya na daw ako kasi nag-iisa sya. Roman daw ang pangalan nya, dating dyipney driver. Umupo ako sa sala, maalikabok yun… pumunta sa kusina ang matanda siguro magtitimpla ng kape, ayoko na sana kasi iika-ika na sya, hindi na masyadong makalakad pero mapilit si mang Roman. Nakita ko sa dingding ang mga nakakwadrong larawan… siguro family picture nila yun, sa ibaba ay picture ng lalaking nakatoga katabi nito ang isang kwadro rin ng babaeng nakatoga din… siguro mga anak nya. Malinis ang mga kwadro, halatang kapupunas pa lang at parang ayaw maalikabukan man lang.

Tama ako, sabi ni mang Roman anak nga daw nya yun. Inilapag nya ang kape, mejo hindi malinis yung mug pero nakakahiya naman kung tatangihan ko at isa pa nilalamig na rin ako at malakas ang ulan, gusto ko ring mainitan ang sikmura.

“ kung gusto mo anak… ano nga ba uli pangalan mo? “ tanong nya sa akin, “ Jun po”, sagot ko naman. “ kung gusto mo Jun eh sayo na lang yang mga gamit ko, wala na rin namang gagamit nyan dito… gamit ko dati yan ng driver pa ako ng dyip pero mahina na ako ngayon Jun, di ko na kaya na magdrive pa uli.”

“ naku wag na po, meron po ako nasa hiraman nga lang kaya di ko nadala, asan po mga anak nyo?” tanong ko

“ Si Danny, Engineer ko yan… may pagmamalaking itinuro ang litrato sa ding-ding… nasa Saudi na ngayon, yan naman babae sa litrato si Juvie yan… nakapag asawa ng taga Davao at doon na nanirahan… yun naman asawa ko limang taon na akong iniwan, nag-iisa na lang ako dito eh… kahit nga mahirap kinakaya ko. Itong bahay na ito kasi ang kaisa-isang ala-ala ko ng aking pamilya, dito ko binuhay ang asawa ko at ang dalawa kong anak. Pinagbili ko na rin yung jeep ko, okay na naman napatapos ko na ang dalawa kong anak at may maganda na silang trabaho, may sarili na rin silang pamilya at bahay, maayos na ang buhay nila”.

“ Hindi po ba sila dumadalaw dito, I mean po… sino pong tumitingin sa iyo dito, mahirap po ang mag-isa lalo na at may edad na kayo?”

“ isang taon na siguro na walang dumadalaw sa akin dito, minsan tumatawag naman sila sa telepono… kahit nga di ko masyado ginagamit yang telepono eh ayaw ko ipaputol ang linya, araw-araw naghihintay ako sa tawag nila… yung kahit boses lang nila masaya na ako, basta maramdaman ko lang na naaalala nila ako. Mababait naman ang mga anak ko, buwan-buwan may natatangap akong pera sa bangko, pero di ko naman ginagalaw… pag-namatay ako kasama yun sa ipapamana ko sa mga apo ko. Yung kapitbahay jan sa kabila, tuwing umaga binibisita nila ako at dinadalhan ng pagkain, nagbibigay na lang ako sa kanila ng konting pera pamalengke”.

“Hindi po ba kayo nahihirapan?”

“ mahirap iho, lalo na pagnakakaramdam ako ng pananakit ng katawan… pero siguro ito ang buhay ko, pag may nasakit sa akin iniisip ko na lang na bunga ito ng walang tigil kong pagtratrabaho noon upang mapatapos ko ang mga anak ko tapos mawawala na ang sakit. Yung ala-ala ng masayang buhay namin noon ang gumagamot sa akin, sana nga lang minsan maalala naman nila akong dalawin dito, gustong-gusto ko na rin silang makita lalo na ang mga apo ko. Masarap siguro yung mga araw na kasama ko sila dito, alam mo ba si pareng kanor jan sa kabila, hindi nya napag-aral ang mga anak nya kaya hanggang ngayon sa kanya pa rin nakatira… kaya lagi nyang kasama yung mga anak nya at mga apo…. Mahirap yung buhay nila, minsan walang trabaho ang mga anak nya… yun ang ayaw kong mangyari sa mga anak ko, gusto ko maayos ang buhay nila… pero alam mo, Masaya si pareng kanor, lagi ko syang naririnig na tumatawa kalaro ang mga apo nya… minsan naiingit ako, iniisip ko na lang na mas masaya ang mga apo ko sa buhay nila ngayon”.

“ paano po pag may sakit kayo, sino po ang tumitingin sa inyo?”

“ kapitbahay jun, sa kanila na rin ako nagpapabili ng gamot… sapanahon na may sakit ako doon ako nakakaisip ng matinding depresyon at pangungulila, sa totoo lang ay nagtatampo ako sa mga anak ko, pagkatapos ko silang mahalin at bigyan ng magandang buhay ay hindi na nila ako naalala na dalawin dito… kahit dalaw lang o tawag sa telepono, yung marinig ko lang na…. o tatay buhay ka pa ba? masaya na ako nun… pero iniisip ko rin na responsibilidad ko na bigyan sila ng magandang buhay at papagtapusin ng pag-aaral at responsibilidad ko rin na maging mabuting ama sa kanila… alam ko hindi na magtatagal at magkakasama na rin kami ng asawa ko, hiling ko lang na sana bago mangyari yun ay makasama ko ang mga anak at apo ko.”

“ ayaw nyo po bang tumira sa kanila?”

“ magiging pabigat lang ako sa kanila, ayaw kong bigyan ng isipin ang ang mga anak ko, dito na lang ako sa lumang bahay namin, bibilangin ang mga patak ng ulan, siguro pagkatapos ng isang libong tag-ulan maalala na rin nila akong dalawin dito. Alam mo bang birthday ko ngayon jun? kaya matyaga akong naghihintay ng tawag nila. Kung hindi naman sila makatawag iisipin ko na lang na siguro ay busy sila sa kanilang buhay… mahirap kumita ngayon at kailangan nilang magtrabaho ng hindi naabala”.

Napalunok ako saa king mga narinig, naawa ako sa kanya…
“ Ikaw Jun, may magulang ka pa ba?

“ Nanay ko na lang po, nasa bukidnon kasama ng isa niyang kapatid.”

“ kailan mo sya huling dinalaw?” tanong nya… hindi ako nakapagsalita, huli akong pumunta sa bukidnon noong pasko… malapit na naman ang pasko hindi pa uli ako nakakapunta doon.

“ sana madalaw mo uli ang iyong magulang Jun, sigurado ako… gustong-gusto ka na nyang makita katulad ng kagustuhan kong makita ang mga anak at apo ko… subukan mo, alam ko magiging maligaya sya”

Tumila na ang ulan, nagpaalam na ako, nagpasalamat… nagpasalamat din sya sa akin, nakita ko sa mga mata nya na talagang sabik sya sa kausap, sabi nya ay magkwentuhan pa kami habang hinihintay ang tawag ng mga anak nya pero dumating na yung hihila sa kotse ko papunta sa talyer. Nangako na lang ako na dadalawin ko sya pag may libreng oras ako.

Dalawang lingo ang dumaan at naisipan ko uling dalawin si mang Roman pero sarado na ang bahay… nagtanong ako sa kapitbahay nila at nalaman ko na namatay na si mang Roman tatlong araw ang nakakalipas, pagkatapos paglamayan ng dalawang araw ay dinala na ng mga anak nya si mang Roman at pina-cremate. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni mang Kanor, iniabot nya sa akin ang isang bag, yun ang bag na pinahiram sa akin ni mang Roman…

“ bilin ni Roman ay ibigay ko raw syo kung sakaling babalik ka, kakailangan mo daw ito sa pagbalik mo sa Bukidnon, baka ka daw masiraan sa daan”.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko, ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni mang Roman sa kanyang mga anak at apo. Nagdesisyon ako, magfifile ako ng leave… uuwi ako sa Bukidnon para dalawin ang nanay ko, tama si mang Roman tiyak matutuwa yun pag nakita ako.

Mensahe ng isang magulang:
Anak.., kung nasaan ka man sana maalala mo ako
Sana dalawin mo ako kahit minsan lang.
Sabik na akong makasama at makausap kang muli.
Kung may pagkukulang man ako… patawad anak,
Gusto kong malaman mo… mahal kita higit sa pagkakaalam mo..

Tuesday, April 9, 2013

Kung Bakit Kailangan Masaktan

Dahil Tanging Ikaw by Jaya

Bakit kailangan puso ay masaktan
Bago maintindihan ang siyang nararamdaman
At kahit iwasa’y naro’n sa damdamin
Yakap at mga halik ay nadarama pa rin

Dahil tanging ikaw ang siyang lahat
Nang mawalay ka nang minsa’y hindi ko matanggap
Kulang ang sandali pag ika’y wala
Sadyang kapag wala ka’y wala rin ang tuwa

Kung ang ‘yong puso’y may mahal nang iba
Di pa rin magbabago ang aking nadarama
Ako ay aasang magbabalik ka pa rin
Ang iyong pagmamahal at ang dating pagtingin

Bakit nga ba? Aside from the reason/s stated in the song, there are so many instances where one really gets hurt to realize that love.

"Mahal kita kahit ang sakit-sakit na!!!"

Ayan! One famous line from John Lloyd Cruz. from the ONE MORE CHANCE

Here are some instances that love is getting in the way to hurt you:

Jealousy. Nasasaktan ka 'pag ang minamahal mo ay nasa piling ng iba. Hindi ka mapakali and you get paranoid. Then, you get insecured. It's up to you what happens next.

Reject. Ouchy huh? Getting rejected by the one you love can hurt like being shot by a gun. You expected at least somehow, that person will love you in return. But then again, he/she cannot.

He/She is in love with someone else. Its similar with reject. Likewise, it can lead to jealousy. You've been wanting to be in a relationship and eventually end up with this person, only to find out that he/she cannot love you back because he/she is already in a company of a better half. Puedeng naunahan ka lang or it's not really meant to be.

Death of a loved one/When the person left. You'd taken the person for granted while he/she was still alive and not realize his/her importance until he/she is gone. Sometimes, we don't value the person enough despite his/her love until he/she gets tired and leave you for someone or something better, that's the time we only realize what we lost.

Bakit kailangan na puso ay masaktan?
Dahil doon lang natin naiintindihan ang totoong nararamdaman. Doon natin napagtatanto ang totoong sinisigaw ng ating mga puso. At doon tayo mas natututong magmahal.

Usually, we don't feel it when we're happy. We take it for granted. If things went wrong, that's the time when we realize the love.

Or maybe, we don't recognize it when it's there because of the fear of getting hurt. But eventually, it's going to get there and we have no choice.

"Wag 'kang matakot masaktan. Dahil doon mo makikita ang tunay mo'ng kaligayahan..."

'Yan ang sinabi ng tatay ni Cristina sa kanya bago siya namatay sa pelikula na Pangako... Ikaw Lang. 'Yan ang naging payo niya sa kanya nung nasasaktan na siya ng dahil kay Vince. (Btw, Pangako... Ikaw Lang starred Aga Muhlach as Vince, Regine Velasquez as Cristina, Robert Arevalo as Cristina's Dad, Bobby Andrews, and many more.....

 Masaktan? 'Di talaga maiiwasan 'yun! It's part of life. Anyway, wala naman talagang masama 'pag minsan o madalas nasasaktan tayo. It's how we face it. However, don't let it eat you, ok?

Don't be scared.  It's temporary.

Believe me, you'll be a better person if you face it with courage.

Personal advice ko naman, pray :)  It's gonna help for sure.

br

COOL

Thursday, March 28, 2013

Sunday, March 17, 2013

When I Met You

There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even known, what love and life were all about
Then you came,
You've brought me out of the shell
You gave me the world to me, and before
I knew, there I was so in love with you

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existent
And it all began, when I met you

I love the touch of your hand
And when I look in your eyes, I just know
I know, I wanted something good
And I'm sure, my love for you will endure
Your love light up my world and take all my cares
Away where they've be part of me

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existent
And it all began, when I met you

You taught me how to love
You showed me how tomorrow and today
My love, is different from the yesterday
I knew, you taught me to love
And darling, I will always cherish you!
Today, tomorrow and forever...

And I'm sure, our evening will come around
I know, we'll be making love, like never before
My love, who could asked for more

#Prince idlemind

Friday, January 25, 2013

Bakit ako ngumingiti?

Bakit nga ba ako ngumiti? May pagkakataon na ayaw ko magsalita, at ngiti lang ang tinutugon ko sa mga tanong sa akin, narito ang ilan sa mga misteryoso kong pag ngiti.
Ito ang ilan sa pagkakataon nagamit ko ang pag-ngiti.

Pag tinanong mo ako nang:

“ Kumusta? Ayos ka lang ba? “
* Smile.
( Smiling doesn’t always mean that I am alright. Sometimes you’re just too weak to say the word ‘OK’  because that would make you even sadder for trying to convice yourself that you are really honestly Ok, but the truth is you are not.)

“Sorry ha, galit ka ba?”

*Smile.

( %#@&!!! ‘Yan talaga ang gusto mong sabihin at maraming-marami pa. You just use the magical smile to keep yourself in becoming a monster. I just smile with a clench fist and tightened jaws. Muntik na madurog ang mga molars ng ipin ko at isama mo pa pati ‘yung wisdom tooth sa pag pigil ng nararamdaman ko dahil hindi pwedeng magalit.

Oi! Pinapakinggan mo ba ako?

*Smile

(Tama ka! Hindi kita naririnig at hindi rin kita pinakikinggan, at hindi rin kita iniintindi! Makaramdam ka na naman noh! Ito ang mga pagkakataon sa buhay ko na gusto ng katahimikan at ikaw ang gumugulo nito. Makaramdam ka naman! )

“Uhm, girlfriend ko na pla si Sexy .”

*Smile. Nanginginig pa.

(Ito na yata ang pinaka-paborito at pinaka epektib na ngiti ko. Kung merong taong tinatawag na “eat and run”, ‘eto naman ‘yung panlaban ko, “smile and run faster” . Bakit? Dahil pag nanatili ako doon ng isa pang minuto, yari! Takbong mabilis na hindi nahahalata na tumatakbo ka, bago pa man pumatak ang malahiganteng luha sa mata ko. Slow motion ang eksena dito, mala-pelikula ang drama. Parang sinasadya ng langit na pabangalin ang oras, nananadya talaga. Nakakatuwang pagmasdan, tama, basta wag lang ‘yung ikaw iyong bida na tumatakbong palayo na luhaan. Ewan ko lang kung makatawa ka pa.)

Sa napakadaming pagkakataon, nailigtas ako ng mga ngiti ko sa kapahamakan, magugulong sitwasyon at mahaba-habang diskunyunan. Hindi sa lahat ng pagkakataong nabanggit ko kanina ay ganun ang iniisip ko. Madalas talaga na maganda ang araw ko, masayahin akong tao kaya mahilig akong tumawa at ngumiti. Madalas na nobenta porsyento (90%) totoong tawa nag nkikita ng tao sa akin. Ang natitirang poryento ay naghahati na sa pekeng ngiti at mukhang walang expresyon. Sana wag kayong magkamali kung anung ngiti ang ginagamit ko. Hindi ka plastikan ‘yun para sken, iniiwas ko lang kayo sa anghang ng pagsasalita ko.

umaga na pala.... iniisip ko pa rin kung bakit kaya ganun ang ngiti ni Mona Liza? …

br
cool
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...