WALA AKONG GIRLFRIEND!! Parang gusto kong tumayo sa
tuktok ng MT. APO at isigaw sa buong mundo...WALA AKONG GIRLFRIEND!!!
Sa halip, nauwi ako sa pagyoyosi sa harap ng SHOP habang mapagpanggap
kong sinasabing... ayos lang naman ang mag-isa di ba?! Kahit na nga
yata ang sarili ko ay gusto akong batukan at sabihing...HINDI!!
Valentines Day na naman...habang palapit sa araw na ito, ang daming
nagkakasakit ng "love sickness" at "valentines day fever". Kabi-kabila
ang naglalakad na magkahawak ang kamay. Hindi ko lang alam kung
opinyonista lang ako o inggitero dahil tinitingnan ko ang lalaki at
babae. At sa dami ng mga inobserbahan ko, napansin ko at parang gusto
ko nang paniwalaan ang teoryang "opposite attracts". Pag kasi maganda
ang babae, aba'y lubos atang pinagpala ang di kagandahang lalaki. At
kung mala-Piolo Pascual naman si lalaki, "love is blind" ang drama niya
kasama si Inday. Bakit nga ba ang mga Kano mahilig sa "exotic"? At
bakit nga ba karamihan sa ating mga Pilipino ay gustong makapangasawa
ng taga-ibang bansa. Kahirapan nga lang ba ang dahilan?
Galit
ako kay Romeo. Kasi naman no nasayang ang lahat ng effort ni Juliet
nung magpakamatay si Romeo. Kung si Juliet talaga ang mahalaga, bakit
sa halip na si Juliet ang insip niya e ang sarili niya... "Paano kung
wala ka na?" "Ikaw ang mundo ko", "Sinong makakasama ko sa habang
buhay". Gawain ito ng mga lalaking duwag. Naisip na ba niya na ang mas
makakapagpaligaya kay Juliet ay ang maging masaya siya kahit wala na
siya o maging sa piling ng iba. Hindi yung sumunod siya at kinitil niya
ang sarili niyang buhay. Hindi. Ang naisip niya..."nawalan siya".
Masasabi ba nating makasarili ang pagmamahal? sabi ng iba, "if you love
them, set them free" dahil nga ba sa gusto natin silang maging masaya o
dahil lang sa natatapakan na ang "pride" natin at sa iba na sila
nagiging masaya. Ang iba naman ibibigay ang lahat para sa mahal nila,
para raw mapasaya ito. Pag-ibig nga ba ang dahilan o para lang masabi
natin sa ating sarili na dakila tayong tao at lahat ay magagawa natin
alang-alang sa pag-ibig.
Pag mahal mo raw ang isang tao ng walang
dahilan, TUNAY na PAG-IBIG yun! Para sa akin, lahat ng bagay ay may
dahilan. Minsan alam natin ito ayaw lang nating aminin, pero minsan,
hindi talaga natin alam. Anong dahilan? Marami...may ilan alam nila ang
dahilan, pera, pisikal na katangian, ugali o kaya'y talino. Ang iba
naman hindi siguro nila pansin o ayaw lang nilang aminin pero ang
dahilan ay awa o utang na loob. Ang iba namang tao, duwag at takot
mag-isa kaya kapag nakita nila sa isang tao ang katangiang
mapagtanggol, mapagmalasakit at maaasahan, may kung anong nagsasabi sa
kanila na "siya na". Dito nabuo ang konsepto ng Knight in Shining Armor
para sa mga babae. Sa kabilang banda, ang mga lalaki naman dahil sa
likas na superyor at matapang, hinahanap nila ang mga babaeng hirap,
nagdurusa, mahina at nangangailangan ng kanilang pangangalaga na siya
naman nilang Dumsel in Distress. Bubuo sa kanilang pagkalalaki. E ang
problema...hindi laging in Distress ang mga babae! Kaya kailangan
nilang humanap ulit ng ibang maipagsasanggalang. Ang
resulta..."Polygamy". Karamihan sa lalaki ang gusto sa babae yung
magaling magluto at marunong sa bahay, Ganun pala ang hanap natin
e...libreng katulong. May mga kakilala ako, napapamahal sila sa mga
barkada nila. Kasi naman may mga pareho silang hilig, nagagawa nila ito
ng magkasama kaya't masaya sila. Pero ang masaklap na dahilan ng
pag-ibig e kung nakita sa iyo ng isang tao ang perpektong imahe at
laruan. Ilalabas ka, ipagmamayabang sa mga kalaro niya, gagamitin...para
sa iba't-ibang okasyon at sa iba't-ibang pamamaraan. At kapag napagod
ka, nawalan ng bisa, o kaya'y nadeporma at hindi na maganda, itatapon
ka na lang sa basura. Marami pang ibang dahilan. Kung ano pa...siguro
may alam ka na hindi ko pa alam. Yun din siguro ang dahilan kung bakit
walang makapagbigay ng eksaktong depenisyon ng Pag-ibig. Hindi dahil sa
hindi natin alam, kundi dahil sa hindi natin maipaliwanag. Iba ito
para sa akin, iba para sa iyo, iba para sa kanya. At kaya lang ito
tinatawag na makapangyarihan ay dahil sa resulta ng iba't-ibang
puwersa...Pag-iisip, Pananampalataya, Takot, Tiwala, Pag-asa, Sakit,
Kalayaan, Pagka-unawa, Awa, PAghanga, Kapanatagan, Dedikasyon at marami
pang iba. Bakit? Paano? Isipin mo naman no! Pigang-piga na ang utak ko.
Pero wala na akong GIRLFRIEND!!!
"I
already accept the thought that you'll hate me forever, And that you
don't care at all, but still i don't understand why I can't hate you,
and still here am I loving you from afar... Just always be safe my
angel.. ".
No comments:
Post a Comment