Tuesday, May 18, 2010

Paano Ba Ang Maging Masaya?

Naalala ko, tinanong ako ng pinsan ko "kuya, paano ba maging masaya?" sabi ko madali lang, gawin mo lang ang mga gusto mong gawin magiging masaya ka.

Pero bakit ganun? ngayon ako naman nagtatanong sa sarili ko kung paano nga ba maging masaya. ang sagot: hindi ko talaga alam.

noon sa dating trabaho ko. tadtad ako sa trabaho tapos hindi sapat ang sweldo. minsan mahigit dose [12] oras akong nasa trabaho pero OT thank you yun or "OTY" ang tawag ng karamihan. nakakapagod at nakakasawa. ni hindi ka na makatawa sa sobrang tadtad sa trabaho. nung nakalipat na ako, hindi ganun kahirap ang trabaho at ang sweldo sakto sa pangangailangan ko. ang tanong, naging masaya ba ako?

madalas din akong masaktan ng mga taong mahal ko. sabi nga nila, kaya ka nasasaktan kasi mahal mo sila. pero normal pa ba na lagi ka na lang masasaktan para sa kanila na parang minsan hindi mo na din kilala ang sarili mo? binibigay mo na ang lahat pero parang kulang pa din. magiging masaya ka pa ba?

dati nangungulila ako sa isang ama simula ng kinuha na sya ni Lord. ngayon naman pati sa nanay nangungulila ako dahil nasa ibang lugar na sya. kahit nasa tamang edad na ako, hinahanap ko pa din sila. malungkot diba?

kung titignan ko ang mga bagay na meron ako, wala na ata akong hihilingin pa. meron kaming sariling bahay na inuuwian, kumikita ako para tustusan ang pangangailangan ko at nabibili ko ang mga gusto ko, meron akong mga gadgets na nasa uso tulad ng digi cam, ipod, celfone, PC at kung ano ano pa, nakakapag bakasyon ako sa iba't ibang lugar tulad ng puerto galera, boracay at bohol pero yun lang ba ang basehan para maging masaya? parang hindi. mga panandalian lang yun.

maraming bagay ang hindi ko mapaliwanag. hindi ko alam kung paano uumpisahan at paano tatapusin. pero ang alam ko, meron akong kailangang hanapin na sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano yun.

tama nga talaga, para sa iba, madaling sabihin na madali lang maging masaya pero ang totoo, sobrang mahirap. "Paano ba talaga maging masaya?" isa ito sa madaming tanong ko sa buhay. siguro sa tamang panahon, magiging malinaw din ang lahat...

Ga'no Ka Nga Ba Kahalaga sa Aking Buhay?

ikaw nga ba ang pag aalayan ko ng aking kamatayan o ang dahilan ng aking muling paghinga sa bawat sandaling ilalagi ko dito sa mundo na ang tanging yakap sa gabing malamig ay ang sakit ng iyong paglayo?

tuluyan ko na nga bang llagutin ang taling nagbibigkis sa iyo mula sa akin at hayaan ang aking kaluluwang matangay sa laot ng pag iisa at pagdaramdam?

Lumayo ka sa akin dahil ayon sa iyo'y hindi kita kayang ibigin sa paraang nais mo. minsan, ang bawat palatak mo'y rumirindi sa aking tainga, ang mga iyak mo'y sumusugat sa aking damdamin, ang sakit ng iyong mga salita'y ikinatitigil ng aking dugo sa pagdaloy... minsa'y masyado kang nagiging maingay, minsa'y bigla kang magiging malambing pagkatapos ng mahabang pagsusungit... minsan nama'y hindi na kita kayang patigilin sa pagsasalita na tutuldukan mo ng napakahabang katahimikan. tuwing tinatanong ko sa iyo kung ano ang nais mo'y "wala" ang iyong tugon, ngunit bigla ko na lamang maririnig ang iyong reklamong hindi ako marunong manuyo at hindi ko kayang basahin ang nasa isip mo...

napakahirap mong intindihin. ang maliit na pagtatalo'y lumalawig sa napakahabang argumento na wawakasan natin sa iyong paglayo, pagbagsak ng pinto, at hindi pagpapakita ng isang linggo.

hindi ko naging gawain ang pagsasabi ng salitang mahal kita, kaya't ito'y laging laman ng iyong mga hinanakit. kailan ko nga ba maaaring sabihin na sawa na ako sa iyong mga pagdududa? sa iyong walang hanggang pagseselos? sa iyong pusong nilalamon ng pag aalinlangan at agam agam? kailan?

bakit ba sa tuwing tayo'y nagtatalo, pinaparamdam mo sa akin na ikaw lamang ang may karapatang magalit at sumigaw dahil sa ating dalawa, ako ang salat sa pang unawa?

ngunit hindi kita kayang kalimutan o hayaang tuluyang lumayo sa akin, dahil wala ng tutulad sa malumanay mong mga ngiti, sa mahiyain mong mga tingin, sa mabining haplos ng malambot mong kamay, sa mainit mong yakap, sa napakatamis mong ngiti, sa iyong pagmamahal na hindi kayang arukin ninuman...

babae...

Huhugutin nga ba kitang muli sa aking tadyang...

o itatanim sa aking puso magpakailanman?

Monday, May 10, 2010

Pag-ibig ayon kay IDOL !

Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman
magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

Hindi porke’t madalas
mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh
may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang
friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.

Huwag magmadali sa
lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip
mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito.
Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng
panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala
ka.

Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay,
kasi hindi ikaw ang priority.

Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na
kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.

Alam mo ba kung gaano
kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong
libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran
mo.

Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng
hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.

Pakawalan mo yung mga
bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang
araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan
mo.

Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog
ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.

Saturday, May 1, 2010

pangarap na lang ba? haaaaay

Writing is utter solitude, the descent into the cold abyss of oneself. ~Franz Kafka

minsan akong nangarap…na makapagsulat at makagawa ng storya na kung di man makapagpabago sa mundong ginagalawan ko eh makapag paisip man lang sa mga manonood. positibo man o negatibong reaksyon at lesat i know i made sense kasi i made a realization out of my story…

at minsan sa buhay ko nagkaroon ako ng ganong pagkakataon. ngunit iba ang landas na tinahak ko. at ito ay dahil lamang sa takot…..sa takot kong magsulat at ilahad ang aking saloobin…takot na humawak ng lapis at papel at ipahiwatig lahat ng aking nararamdaman at nalalaman sa ibang tao…
kaibigan ko man o superior…sa common tao man o sa mga intelehente sa lipunan…takot ako…at sa kasamaang palad, nagpalamon ako sa takot na aking naramdaman na naging dahilan ng pagkabigo kong gawin ang isang bagay na aking ninais gawin para sa sarili ko at sa mga tao.

kolehiyo pa lamang ako ay tinatak ko na sa aking isipan na isang araw gagawa ako ng storya at ibabahagi ko ito sa mga tao. gusto kong manamnam nila ang bawat letra ng aking gawa. gusto kong maramdaman nila sa pamamagitan ng kwento ko ang bawat emosyon na aking naranasan. ninais ko sanang kahit papaano ay maging bahagi ang storya ko ng kanilang diskusyon… at lahat ng ito ay hindi para sa kung ano man…bagkus maibahagi ko lang sana sa kanila ang kwento ko…yun lang masaya na ako…the ultimate fulfillment that i …am still hoping that i can achieve…

pero duwag nga ako…alam kong hindi ako magaling magsulat..tagalog man o ingles…hindi ako organized na tao (kita naman kahit sa buhay ko… - alam ng mga taong malapit sakin ang ibig kong sabihin). nahihiya kasi ako na mapuna ng ibang tao ang pagsusulat ko. aminado ako madalas (o sige na, mahilig) akong mamintas ng sulat ng iba kaya alam ko na malamang ganon din ang gagawin sa akin…a very negative thought indeed. pero siguro kung naisip ko in a positive light na yung pamimintas sa pagsusulat ko can help me improve my writing malamang mas masaya ako ngayon kasi nagagawa ko ang pangarap ko…hayyyy….

naisip ko nga dati na dapat kahit saan ako magpunta, may hawak akong lapis at papel o mas maganda laptop para naisusulat ko agad lahat ng thoughts ko (ng mas may sense) kesa sa pagkatapos ko maisip lahat tsaka plaang ako magkakaroon ng pagkakataong maisulat ito (gaya ng pyesang ‘to). wala na kasi sa momentum…peroalam ko sa sarili ko na kaya kong magsulat…kaya kong magkwento…kaya kong gumawa ng treatment sa isang storya…alam ko kung anong magandang atake sa isang topic…kung ano ang mga bagong bagay na pwede kong gawin…pero yun nga… takot ako…kasi takot akong marinig ng mga tao ang thoughts ko…baka kasi hindi maganda o hindi pumasa sa "standards" nila…in short, wala akong kumpyansa sa sarili ko…

malungkot isipin na wala ako ngayon sa mundong nais ko, marahil dahil na rin sa mga pangyayari at desisyon ko. i may look happy and okay now but believe it or not, there is still a part of me that’s hoping and aspiring to fulfill my dream…siguro kahit one time deal lang as long as it can move a life of one person or make people think for a while, okay na ako don…..sana in time…

i hope it’s not too late…
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...