Kampihan... Kampihan... Kapag naalala ko ang salitang ito, muli akong bumabalik sa aking pagkabata. Ito'y madalas mong maririnig sa mga batang naglalaro upang makagawa ng grupo at minsan nama'y sa kanilang mga kaaway. May ibat' ibang dulot ang pagkakampi-kampi, depende sa kung papaano gamitin ng tao. Kadalasan kung sino ang ating kakampi sila lang ang pinakikinggan natin bakit hindi natin subukang pakinggan ang ibang panig. Hindi ba tayo masyadong nagiging makasarili sa katotohanan at nagbubulagbulagan sa pangyayari na dapat muna nating suriin bago bigyan ng sariling pananaw. Sa pagkakaalam ko, hindi naman tayo Diyos para manghusga at magbigay ng pinal na salita sa mga taong nakapaligid sayo. Baka naman tayo ay kabilang sa mga taong hindi marunong kumilala sa kasiyahan, sa mga tagumpay at mga bagay na natatamasa ng taong na sa paligid mo dahil ang gusto mo lang ay mapasaiyo ang sa iba at ang iyo ai para lamang sa iyo. Hinay-hinay lang kapatid baka naman malunod ka, huminga ka naman at magbigay sa iba.
Hindi na tayo mga bata mga kapatid, alam na naman siguro natin ang tama sa mali. Ito na siguro ang panahon upang matigil ang pagkakampi-kampi. Wala naman naidudulot itong mabuti bagkus nawawasak lang nila ang isang relasyon ng bawat indibidwal. Tapos na ang mga panahong ika'y bata, konting lawak naman pag-iisip!!! Nagiging tanga ka lang sa katotohanan.
Habang ginagawa ko itong blog na ito, natutuwa ako sa text ng isang kaibigan at may mensaheng: "huwag mong pansinin ang sasabhin ng ibang tao, basta't gawin mo lang ang gusto mo, dahil gawin mo man ito o hindi, palaging may sasabhin ang ibang tao." napaka inspiring di ba. hindi ba't angkop sa mga panahong ito ang mensaheng ito na kung saan ang ating kapaligiran ang puno na ng kasakiman at karamutan sas kasiyahan. kung minsan nakakalimutan nilang pahirin ang sariling muta at dungis sa kanilang mukha. At kadalasan, titignan ka simula ulo hanggang paa na akala mo'y isang kriminal at may nakahahawang sakit, pinandidirihan. Pero ikaw sa sarili mo, nakakalimutan mong suriin ang pisikal at ang pag-uugaling hindi kaaya-aya at umaalingasaw sa baho!!! Bwahaha... nakakatawa ka na lang, bago ka sana nanghusga at manira ka ng kapwa mo, sinigurado mo munang walang butas at kabulukan ang pagkatao mo!!! kaawawa-awa ka naman! kaya rin siguro hindi umuunlad ang ating bansa, dahil sa mga katulad mong chismoso at humihila pababa sa mga taong nakakaangat sayo.
Masakit man isipin, ang aking pinagsasabi pero alam kong ako'y nasa MALI! hahaha...dahil kahit anong aking gawin, mali pa rin sa mga taong nakamasid at tumitira patalikod, mga taong tamang palingharap. At TAMA sa mga taong naniniwala na walang lihim ang hindi mabubunyag, tayo'y hindi perpekto at nabubuhay sa kanyang paniniwala at prinsipyo na walang inaargabyado at tinatapakang tao! Live your life to the fullest. Siguro kung lahat ng pinagsasabi mo ay dinidibdib ko, baka inugat na ko sa pagkalugmok. Bwahahaha...tatawanan na lang kita.
No comments:
Post a Comment