BULOK!
Kalat na kalat na yang ganyang ugali eh.. sa school, sa trabaho, sa barkadahan. Nangyayari yang ugaling balot na yan.
Anong sinasabi ko? - Pareho ang balot at ang katangian ng taong plastic.
Unang-una sa lahat baket?
Yung balot at yung taong plastic hindi mo pwedeng pakisamahan, kumbaga sa balot hindi mo pwedeng kainin yan delikado eh. Alam mo kung bakit? Nakakahigh blood, nakakabwisit.
Eto pa, yung kaplastikan ng tao nahahawig din sa balot yan. Pansinin niyo yung balot napakaganda nung balat o shell. Parang ang sarap hawakan, parang ang ku-kyut WOW!!! Akala mo ordinaryong itlog, pero pag binuksan mo yung balot sa loob, talagang kadiri yun. Tignan mo yung itsura sa loob ang baboy.
Ganon din ang plastic na tao, akala mo kung sinong ampuputi, ampuputi ng balat, akala mo santo tapos kapag binuklat mo EEEE kadiri din pala.
Yung balot at yung kaugaliang kaplastikan ay nalalako din. Paano ko nasabi? Yung pag sinabi mo kasing nalalako, nadidistribute. Alam mo, yung ugaling kaplastikan kapag inapply mo yan sa isa pwedeng ikahawa ng iba. Kapag nasanay ang tao sa mundo na ganon, na ang lahat ng nakapalibot sa kanya puro plastic mismong siya magiging ganun na rin. Naididistribute ang kaplastikan from 1 person to another, tulad ng swine flu ikakalat at ikakalat yan ng hindi natin napapansin. Tulad ng balot na ibinebenta ng magbabalot, nalalako rin ang kaplastikan.
Nabibili rin ng pera yan, yang kaplastikan. Merong mga tao na dahil nabibigyan sila ng bagay na pinansyal o na materyal, kahit hindi naman nila gusto yung tao, pinapakitaan nila ng mabuti. Kahit hindi sila sang-ayon, kunyari sangayon sila. Kahit ayaw nila kasama, kunyari pinapakisamahan nila. O, di' ba nabibili rin yun ng pera?
HINDI MAN BALOT ANG PAMBANSANG PAGKAIN NG PINOY, PERO SA TINGIN KO YUNG BALOT, PAMBANSANG UGALI NG PINOY
Hindi lahat na ibig sabihin pambansa ay ibig sabihin lahat tayo ganon. Karamihan ganon.
Alam niyo po ba yung balot, ay punong puno ng protina, kaya nga daw nakakapagpalakas daw ito ng tuhod. Pero ang hindi nila alam, habang binibigyan ka ng balot ng protina hindi mo namamalayan na binibigyan ka naman nito ng problema sa blood pressure at sa puso.
Ganun din sa taong plastic, binibigyan ka niya ng ikatutuwa mo pero hindi niya pinapaalam sayo ung mga bagay na ikakagalit at ikakabadtrip mo.
Yung balot sa loob mayroon ding bato yun tapos yung dilaw, sabaw, at saka yung sisiw.
Yun yung pagkataong pwede nating ikumpara sa isang tao. Unang-una ung pagiging bato. Ano bang pakielam niya? Anong pakielam niya sa nararamdaman mo? Eh plastic nga siya db? Kunwari concern, kunwari ang bait pero hindi pala. Masyado nang matigas yung damdamin niya wala na siyang pakielam sa nararamdaman mo, basta ang importante yung kanya, nagagago ka niya. Yun ung pagiging bato..
Yung dilaw naman sa balot o yung 'pag sinabi nga naten sa english yellow, ibig sbhn niyan kaduwagan. Sa taong plastic, may kaduwagan ba? Meron! sa taong plastic kaya hindi sila makakompronta o maging pranka, kaya hindi sila nagiging tapat sa kapwa nila dahil may kahalong karuwagan sa puso nila.
Ngayon yung sisiw naman. Ano naman yung sisiw sa taong plastic? Yun yung may tuka. Yung akala mo nakapikit, akala mo fetus, yun yung tumutuka sayo. Yun yung tumutuka sayo na hindi mo namamalayan, nakatago nga eh. Yan yung tatlong nakatago sa makinis na balat na hindi mo madidiskubre.
Meron pang sabaw! Ano naman yung sabaw? EDI UNG SIPSIP! HAHAHA!
'Di ba ang mga taong plastic sipsip? Tignan niyo may mga pagkakapareho talaga.
Saan naman na magkaiba yung balot at yung taong plastic? Mas mahirap to alam niyo kung bakit?
Kasi yung balot para malaman mong balot yun tinatapat sa bumilya yun. Padadaanin sa maliwanag na bumbilya yun kasi magiging visible yung loob makikita ngayon ng magbabalot na "Ah balot na to".
Eh ang tao kahit itapat mo sa malaking bumbilya yun kahit singlaki ng bumbilya ng Glorietta ang itapat mo run, kahit 'singdami ng bumbilya ng electric company o ng hardware yun, hindi mo pa rin makikita ang tunay niyang katauhan.
Sa mga nagbabasa: Ang magalit, sapul. Hahaha.
baloooooooooooooooooooooot
pahabol
kung ang tao ay hinulma sa putik bakit me taong plastic?
No comments:
Post a Comment