Monday, January 9, 2012

Pikon ay laging Talo

Marami ka bang kaibigan o namimili ka lang? Sa panahon ngayon mahirap ng humanap ng ganito kahit isa man lang. Ikaw, meron ka ba nun o bumibili ka lang. Anjan yung lilibre mo sila, reregaluhan kahit walang okasyon at parang laging fiesta para magpasikat kahit bukas eh mangutang ka na lang. Hindi ko naman sinasabing masama ang ganito pero alam ko ang takbo ng isip mo kahit hindi ka pa nagsasalita. Tama ba ko?!
Ako, marami akong masasabing tunay na kaibigan kahit wala o may ilalabas akong pera. Eh, ikaw?! Try mo lang, baka walang matira sayo. Alam naman namin ang paguugali mo, sayang naman konti na lang ang matitirang mabait kaso may problema madali pa naman silang mamatay at ang kagaya mo ay tulad ng isang masamang damo, matagal mamatay. At marami pang magdudusa sa mga kamay mo!
Aware ka ba sa pinagagagawa mo? At alam mo rin bang maraming tao ang galit sayo. Kung hindi malas mo naman walng taong concern sayo na pwedeng magsabi o humarap sayo. At bakit nga ba maraming takot sayo? halimaw, asawang, mangkukulam o may sakit ka bang nakakahawa? O minsan ang katahimikan nila ang siyang unti-unting uusig sa konsiyensya mo at pinapasa Diyos na lang ang lahat at naniniwalang ang mga bagay ay may dahilan at sa karmang tatalbog at ihahagis sayo na hindi mo pinapangrap asamin habang ikaw ay buhay.
Sa bagay, nagsisimula na ang lahat. Hindi mo lang napapansin sapagkat mababaw pa lang at kung ako sayo magbabago na ko at hindi na tuluyan pang humagupit sayo ang balik ng karma. Maisip ko pa lang ang salitang KARMA, nakakatakot na. Habang may buhay, may pag-asa. Ang gulong ay laging umiikot, minsan nasa ibaba at darating din ang araw na ako naman ang tataas dahil nalagpasan ko na ang pagsubok ng buhay.
Dahil ba sa hindi lumalaban ang isang tao ay masasabi ng mahina? May panahon na ang pipi ay makakapagsalita para ipagtanggol ang saloobin. Ang bulag ay makakakita ng liwanag at tunay na nangyayari sa kapaligiran at ang mga bingi ay makakarinig ng maliwanag na katotohanan. Maghintay ka! Sa pagbangon ko isa na kong isang matatag at malakas na tao, handang ipaglaban ang tama sa mali at baka sisihin mo lang ang sarili mo kung bakit ako naging ganito. Hindi sa lahat ng oras kaya mong tapakan ang pagkatao ng lahat dahil sa alam mong hindi nila kayang lumaban. Ito'y hindi isang papankot bagkus isang paalala ng isang nagmamahal.

"Nobody's perfect so why practice", sabi nga ni ai-ai sa isa niyang pelikula...bakit mo nga ba pipiltin na magbago kung taliwalas naman sa ugali, prinsipyo at maging sa pagkatao mo. Dahil ba sa sinabi sayo o hindi akma sa paningin ng iilang tao? kahit alam mo sa sarili mo, mga taong malapit sayo at kilala ka ng lubusan na wala kang ginagawang masama at hindi nakakapak ng kapwa. Mahirap pakisamahan ang mga taong ayaw talagang kumilala sayo dahil sa personal na kadahilanan. gumawa ka man tama mali pa rin sa mga mata nila at sa simpleng kamalian ay biglang nilamon ka ng batikos. Para kang isang taong may sakit, isang bilanggo na lahat ng tao sa paligid mo ay nakamasid at nagbabantay sa lahat ng kilos. Sadya bang ganito ang buhay, malupit? O may mga tao lamang na gusto kang hilahin para sa pang-interest na layunin. Kung sabagay kung magpapalit man tayo ng katayuan kahit sa isang araw lang, ikaw ay magiging ako at ako ay magiging ikaw hindi ko nga maitatangging at maitatago ang nararamdaman mo, na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay nananatili pa ring matayog. Nakukuha ang naisin at hindi pinababayaan kahit na may mga panahong tumalikod at tumaliwas sa kanyang turo sapagkat ang lahat ng ito'y isang pagsubok lamang.
Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagkakamali at pinagsisisihan sa nagawa pero hindi na natin ito kayang ibalik bagkus itama na lang ang kasalukuyan. At lahat tayo ay may mga sikretong pinagkakainggatan. Ngunit hindi natin pwedeng itaas ang sarili at gumawa ng kwento para lamang pagtakpan ang sariling butas at baho. Meron ka bang nakita at narinig na magnanakaw na umamin sa kanyang kasalanan kahit maraming testigo? Hindi naman masamang umamin sa kasalanan, di ba?!
Hindi ka man lang ba tinatamaan ng konsiyensya? o sadyang nilamon ka na ng kasakiman. Hindi rin magtatagal sa kabila ng paninira at kathang isip mong kwento lalabas din ang katotohanan. "Walang lihim ang hindi nabubunyag" hindi man ito ang panahon, paniguradong hahagupit din lahat 'to sayo, higit pa sa inaasahan ng sinuman. Hangga't maaga pa, ang lahat ng tao sa mundo ay may karapatang magbago. Hindi pa huli ang lahat at walang nakaka-alam baka bukas wala ka na, ako o sila. Kaya simulan natin ang pagbabago-sarali.

Ngunit hindi mo alam ang maaring mangyari ngayon. Pero panigurado ko, marami jan sa paligid ang mga inggetera at hihilain ka pababa. Nakakapagod na sa araw-araw na lng may bagong intrigang gagawin sa'yo. Sabi nga sa kanta ni Eric Clapton, "Before you accuse me (take a look at yourself)" baka may naiwan ka pang muta at para sigurado isang malaking salamin na ang gamitin mo.
Huwag kang manira ng kapwa mo akala mong wala kang kapintasan, ah. At kung minsan kailangan mo munang itikom at busalan ang bibig mo upang manahimik. Baka kulang ka sa dasal o kaya naman hindi mo lang sadyang alam at sinasapuso ang turo at nananaig sa'yo ang masama dahil sa pagkainggit, pagkagahaman at pilit mong tinataas ang iyong sarili. Sabi nga sa Matthew 5:7, "Blessed are the merciful, for they will be shown mercy." Hinayhinay lang at baka matinik ka ng malalim.
Hindi naman masamang magbuhat ng sariling bang-ko pero alalahanin mo siguraduhin mong makailang ulit mo itong inisip bago mo gawin, baka naman wala ka nun at maaring tumalbog sa'yo.

"Your Enemies" sapagkat kulang ka lang sa pansin at ang pikon ay laging talo. Amen.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...